KaRa famkulet

1.7K 69 6
                                    


AN: Same day ng chapter 40.

MIKA's POV

So this is how to have three kids. Nasa pagitan namin ni Ara ang mga bata. Anghimbing ng tulog ni Ara. Samantalang ako nanakit ang likod ko sa likot matulog ni Sanctus! Para akong kinarate!

"Good morning mama! Good morning mommy!" si Rae ang unang nagising. "Gising na po! Exercise na po tayo!"

Automatic na ngang bumangon ang mga bata at nagtatakbo palabas. Siguradong bubulabugin na nila sina mama.

"Good morning."Bati ko kay Ara.

"Morning mahal ko..."sabi niya pero nakapikit pa. "Anong oras na?"

"6:00 na. Bangon na. Exercise na tayo sa garden."

And we are actually doing this exercise with Ara! Si papa talaga oh couple shirt pa sila ni mama. After ng exercise healthy breakfast naman sa garden.

Isinabay na nina papa ang mga bata. Idadaan sa Brightside. Pupunta kami ni Ara sa hospital para sa kanyang therapy.

"Grabe. Angbagal naman."reklamo ni Ara.

"Papasok pa lang kasi ang mga empleyado at estudyante. Napaaga yata tayo."

"Kung hindi ako naaksidente nakikipagsiksikan din tayo sa LRT no?"

"Hindi. Kasi malapit lang yung dorm. nilalakad lang natin."

"Hindi mo ba namimiss mag-aral sa school? Lagi ka na lang sa bahay. Boring yun."

"Hindi naman. mas okay ngayon e. Mas nakakasama kita."

Hindi na siya umimik. Nakatingin lang siya sa labas.

"Mika, huwag ka nang magmodule. Pasok ka na ulit sa school. Parang mas masaya yon."

"Hindi na kita maalagaan nun."

Nginitian lang niya ako. "Girlfriend kita. Hindi nurse. Basta mag-i-school ka ulit. Ako din pero next year na. Magpapalakas pa ako lalo. Sobrang lakas tatalunin ko lahat ng players!"

Angtibay ng fighting spirit ng girlfriend ko talaga!

Tumagal ng may isang oras ang therapy niya. Nabasa ko na lahat ng magazines! Nakapagpapicture na sa akin yung ilang nurses at pasyente.

Pansin ko ang isang lalaki na panakaw-nakaw ng tingin sa akin.

"Yes? May problema ka ba sa akin?"

"Ha. wala wala naman." tapos kinuha niya ang phone niya. "Pasensya ka na ha? Kakapalan ko na ang mukha ko. Gusto ko sanang humingi ng video greeting para sa anak ko. Idol ka kasi nun. Namimiss ka na daw niyang makita sa tv."

So we had this conversation. Asawa niya ang nandito sa hospital. Kapapanganak lang daw. Yung tinutukoy niyang anak ay kasalukuyang nakikipagcompete sa athletic meet daw.

"Sana makapaglaro kayo ulit."sabi pa niya. "Yung anak ko kasi gustong gustong makita kayong nagbablock. Ginagaya nga kayo. Naku! Proud na proud yun kapag nagkukwento. Iyak din siya nang iyak nung naibalitang naaksidente si Victonara."

"Malay po natin sa mga susunod na taon po."

Ngumiti ang lalaki. "Sana. At siguradong may magandang plano ang Panginoon kung bakit nangyari ang mga bagay-bagay."

Mukhang matatagalan pa si Ara kaya hiningi ko na lang ang room number ng asawa niya para kami na lang ang pumunta mamaya.

Aba! Anglapad ng ngiti ni Ara paglabas ng room! Nagpapacute pa yata sa nurse oh! Di hamak na lamang ako ng isang libong ligo sa nurse na yan! Haba lang ng buhok ang lamang niya sa akin at yung kuwan. Yung boobs.

UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon