Ara’s pov
Bago kami tumuloy sa resort may iba pa kaming plano ni Mika. Nagpaalam naman kami sa mga magulang niya kaya ayos lang kahit late kaming darating sa party nila ng kuya niya.
“Kapag may aalis dapat talaga may mga ganitong korni na pamamaalam?”biro ko pa sa kanya.
Hindi naman siya naimik.
Siniko ko siya saka lang niya narealize na may sinasabi ako.”Ano na ‘yon?”
“anglabo mo naman Moy. Kanina pa ako nagsasalita dito e.”kunwareng pagtatampo ko.
“sorry…”
Eee? Angseryoso niya. Pinisil ko ang pisngi niya. “Kanina lang anghyper mo tapos ngayon hindi mo na ako kinakausap. May pahabol ka pa bang pagtatampo ha?”
Pinaglakip niya ang aming mga kamay. “Thank you.”
“Ikaw pa. mahal kita e.”
Yan lang lagi ang nagiging sagot ko sa kanya sa tuwing nagpapasalamat siya. nagkaroon man kami ng ilang araw na hindi pagkakaintindihan dahil sa sitwasyon niya sa kanilang pamilya ay nangibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Package deal na talaga kapag isang Mika Reyes ang girlfriend mo. Mamahalin mo rin ang mga responsibilidad niya sa pamilya, mga stress niya sa buhay at ang pagkahectic-hectic niyang schedule.
Flight niya na sa Lunes. Talong araw mula ngayon. Kaya simula last week sa kanila na ako umuuwi. Madalas rin siya sa Mhei Zhou para manood sa practices. Minsan nakikilaro rin siya pero mas madalas ay magkausap sila ni Ayumi tungkol sa iba’t-ibang teams na kailangan daw ay mapatumba ni Ayumi.
“Here we are.”pinagbuksan kami ng driver ng pinto.
Nandito kami sa tapat ng restaurant ng kaibigan niya kung saan niya ako sinorpresa noon. Ang mga waitress talaga oh, kung makangiti may ibang meaning. Kinikilig ba sila o kinikilig lang ako dahil hindi pa binibitawan ni Mika ang kamay ko mula kaninang bumaba kami ng kotse.
Hindi naman na to bago kasi linggo linggo kami dito pero ngayon lang ang pagkakataon na kaming dalawa lang ang magdidinner dito dahil nirentahan niya ito para lang sa aming Monthsary.
Ikinagulat ko ang pagpapatigil niya sa nagpi-piano.
“Ayokong masira ang make up ko kuya. Umalis ka na lang.”
Grabe to. Isang factor ng romantic dinner ang music tapos pinaalis pa niya. “Adik ka talaga Moy.”
“Yaan mo na. baka ma-LSS pa ako sa mga tutugtugin niya.”
“sus! Mamimish mo ko no?”panggagaya ko kay Cienne kapag naglalambing siya kay Kim.
“Hindi mo bagay Moy.”tawa niya.”Kumain ka na para makapunta na tayo sa resort.”
Usapan naming ni Mika na hindi dapat sobrang malungkot dahil para rin sa future naming dalawa ang mga gagawin niya. Angdaling sabihin no?
“Sinong iniisip mo Ara? Natahimik kang bigla.” May tono ng pagtatampo niyang tanong.”kasama mo na nga ako ganyan ka pa.”
“Adik.”Irap ko sa kanya.”hindi mo pala bagay ang magdrama moy. hindi bagay sa height mo,”dagdag ko pa.
“Hindi ba talaga bagay?”halos pabulong naman niyang tanong.”Hindi talaga? ha? Ha?” papacute pa! naku naman.
Umiling ako.”Hindi e.”
SUmimangot naman siya saka itinuloy ang pagkain.”Duga. noon epektib pa, ngayon hindi na.”
“ansabe mo?”kunware ay hindi ko narinig.
“wala.”
Hindi nga siya pinilit. Mamaya naman bibigay rin yan. Hay. Sadyang angbilis ng oras kapag kasama ko siya. Wala siyang gimik sa dinner naming. Para daw wala akong iisip-isipin na last dinner together with all the romantic stuffs. Anglabo no? E kahit naman walang mga ganun iisip-isipin ko pa rin ang gabing to.
![](https://img.wattpad.com/cover/11144766-288-k468318.jpg)
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanficSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016