CIENNE’s pov
Si mama naman kay-ingay. Sa kanya ko na nga lang sinabi dahil baka pag kat kambal e hindi niya mapigilan ang sarili niyang ipa-counselling ako.
Hindi ko maalala specifically kung kailan nagsimula ang thought na yon e. Pero siguro dahil sa isang kaklase ko na single mom. Madalas niyang kinukwento ang mga bonding moments nila ng daughter niya.
Angcute lang nilang dalawa.
Hindi na nagbihis tong si Kim naman. Nakanganga pa ngang natutulog e.
“Kimmah, gising ka muna. Hindi ka pa nagbibihis.” Ilang beses ko din siyang niyugyog bago nagmulat. “Hindi ka na nagbihis.”
“Inaantok pa ako. Mamaya na lang.”
Itinakip niya ang unan sa mukha niya. Tinanggal ko naman to. Arte nitong si Kimmah naman.
“Kim! Bangon na muna. Anong gusto mo? Bihisan pa kita?!”
Kunot-noo niyang tinanggal ang unan. “High blood mo. Hindi pa naman nag-expire yung ligo ka kanina oh.”
Inaamoy-amoy pa niya ang kili-kili niya. Cute nitong negritang to.
“Oh amoy mo din oh…”
Ayoko nga! Dinampot ko nga ang unan saka pinalo-palo ko sa mukha niya. “Yuck mo Kim! Bahala ka nga diyan!”
Tumayo na ako para magfreshen up. Mahal ko si Kim. No doubt about that. Siguro kailangan ko lang ng oras para sa mas timbangin ang mga bagay-bagay na gusto ko talaga.
Nagtagal ako sa banyo. Ineexpect ko na tulog na siya paglabas ko pero nagkamali ako. Nakatutok siya sa laptop habang kumakain ng chichiria.
“Hindi magandang dinner yan.”pansin ko sa kanya. “Nagdidieta ka Kimmah?”
“Matagal ka e. Nahihiya naman akong magtingin sa kusina niyo.”
Lumapit ako sa kanya. Inusisa ko lang ang ginagawa niya. Nag-u-audit siya sa sales ng flowers shop. Hands on talaga. Parang wala tuloy akong kwenta dahil silang dalawa madalas ni Mela ang nagsesettle ng mga patungkol sa negosyo.
“Malapit na tayong magbankrupt.”
“Huh? Seryoso ka? Malakas naman ang shop ah?”
Pinakita niya sa akin ang bar graph na hindi ko naman nagegets! “Mas malaki ang binibitawan nating pera kaysa sa income. Kakausapin ko si Sir Brandon pagbalik ng Manila.”
Angseryoso niya. Tiniklop ko ang laptop. “E wala tayo sa Manila. Set aside mo muna yung shop pwede? Huwag mo munang isipin si Tito Brandon.”
Nakatitig lang siya sa’kin. Hindi ko mabasa kung ano ang emosyon niya. Narinig niya kaya ang usapan namin kanina? Pero impossible tulog na tulog naman siya.
Hinalikan ko siya. Shit! Ako talaga ang nauna e! Ito lang naisip kong paraan para hindi siya gaanong mag-isip. Medyo aggresside bigla? Hoooh!
Pero mas shit yung hindi siya nagrespond. Nakakapanliit tuloy ng pagkatao.
“Anong problema? Hindi ba ako masarap humalik?”
Ginagap niya ako sa kanang pisngi. “Natatakot lang ako. Pakiramdam ko may mali kapag ikaw ang nauunang maglambing.”
Ganun ba yon? Naku naman si Kimmah! Nagring ang phone ko kaya medyo nabawasan ang tension.
Si Jay ang tumatawag. New friend. Bale new classmate namin. Late naman na to tumawag.
>>>hello.
(Hi Cienne. Busy ka ba bukas?)
Binuksan ulit ni Kim ang laptop na isinara ko naman ulit. Duh! Hindi pwedeng tumambay na naman siya sa internet! Hindi pwede!
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanfictionSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016
