KIM's POV
Umaayaw na sina Amyra at Vio sa amin ni Denise. Pangatlong set na to at hindi pa sila nakakalampas sa 10!
"Ano to ate? Tagasalo kami ng sama ng loob mo sa mundo?" reklamo ni Amyra."Ikaw naman kasi pumayag-payag ka pa."
"Oh sige na hindi na namin gagalingan."sabi ni Denise.
"Sus! Kanina mo pa sinasabi yan!" naiinis na talaga si Amyra.
Umayaw na nang tuluyan ang kapatid ko. naupo na siya sa bench at ayaw ibigay ang bola sa akin.
"Ayoko na ate! Bahala kayo diyan!" sigaw niya.
"Ikaw kasi."natatawang sabi ni Denise. "Hindi ko na nga sineseryoso e."
"Yaan mo yan."
Naupo na din kami. Grabe! Habol hininga talaga ko.
Tutok sa phone si Denise. Yung mukha niya parang naiinis na ewan. Natatae yata? Ha ha
"Hoy? May problema?"
Umiling siya. "Wala lang to."
Chineck ko naman ang phone ko. Maraming notifs sa twitter.
"Oh mang-aagaw ka raw Lazaro."
Tawa nang tawa naman si Amyra. "Yang mukhang yan? Aagawin?"
Nagbasa na din siya ng mga tweets.
"Hindi talaga nawawalan ng panahon ang mga haters no?" komento ko. "Item ba kayo ni Aly? Marami na din akong haters."
"Hindi."sagot niya. "Ewan ko din. Hayaan mo na. magdeactivate na lang ako."
Napuno na ang salop! Gusto ko ngang asarin pero parang wong timing din. Hayan tumatawag si Aly.
>>>Oh..bakit?
Uy! Bad mood.
>>>Oo nga. Nasaid na ako Aly. Mananahimik muna ako. bye.
"OMG..as in OMG.."si Amyra yan. Lumapit sa akin. "Tingnan mo to ate oh..."
"Ano na naman?"
Isang tweet galing sa isang fan na sinasabing malandi si Denise at guilty kaya wala na yung twitter niya.
"Naku ate. Patulan mo yan."
"Hayaan mo na."Sabi ni Denise."Lilipas din naman to. Sikat kayo kasi kaya ganyan."
Kinuha ko ang phone ko at nagdeactivate din.
"Ayos."sabi ni Amyra."May aabangan ulit akong trending topic mamaya. Update kita ate kung pinapatay na kayo sa social media ng mga fans ni Cienne ha? MAgtweet nga ako."
Binabasa niya ang tinatype niya.
"My sister's account is deactivated. Uh? Lazaro too? :)
#JUSTFRIENDS
Tuwang-tuwa pa talaga siya sa pinaggagawa niya.
--
Nasa byahe na kami. Ihahatid namin si Denise.
"Kim, nag-usap na kayo ni CIenne?"tanong ni Vio. "aalis na sila diba? May closure na ba?"
"Wala pa. Parang ayoko ding kausapin."
"Arte lang yang closure."sabat ni Amyra."Ano pa bang pag-uusapan nila? Baka abangers na naman si ate pag nagkataon no."
"Hindi naman arte yon."kontra ni Vio."Atleast mapag-usapan nila kung ano talaga ang naging problema diba?"
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanfictionSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016
