Ara’s pov
Nakakaramdam pa rin ako ng pagkahilo pagkamulat ko ng mga mata ko. May nakayakap sa akin! Magpapanic na sana ako pero narinig ko ang tinig na ilang araw ko nang namimiss.
“Sorry...namiss kasi kita...”
Agad akong humarap sa kanya. Nakapikit si Mika habang nakapatong pa rin sa aking balikat ang kanang bisig niya.
“Graba ka!”palo ko sa braso niya.”papatayin mo na naman ba ako sa nerbyos?!”
Napangiwi naman siya pero hinawakan lang ang kamay ko. Pinag-intertwine niya sa mga daliri niya.
“sshhh... Moy, konting katahimikan please. Hindi mo ako pinatulog kagabi sa kakaisip sayo. Tulog muna tayo oh.”
Matapos niya akong kidnap-kidnapin gagani-ganito siya? Tapos sa gimik niyang ito absent na naman ako sa major classes ko.
“Moy naman...”naputol ang sasabihin ko nang naglapat ang aming mga labi. Sapat na para manahimik ako nang tuluyan at tumugon sa paghalik niya.
Habol ang paghinga namin nang bahagya niyang inilayo ang mukha niya sa akin at ngumiti.
“Galit ka pa?”
Sino pa ang magagalit sa ginawa niya? Para na rin niyang sinabing huwag ka nang magalit please.
Umiling ako.”Huwag mo nang uulitin to ha? Alam mo namang madali akong magpanic.”
Tumango siya at kinintalan ako ng halik sa noo.”tinawagan ko na ang mga instructors mo. Pumayag naman sila since ngayon ko lang ulit ito ginawa at nangakong hindi ko na uulitin.”
Namiss nga yata niya ako nang sobra-sobra. Anglungkot kasi ng dating niya ngayon.
“ok ka lang Moy? May problema ba?”
Umiling siya at muli akong hinatak sa isang yakap.”Ito lang naman ang kailangan ko e. Paggising ko nasa tabi pa rin kita ha?”
Bilang tugon ay hinalikan ko siya sa noo.”Gusto mo ng music para makatulog ka nang maayos?”
Pa-baby itong mahal ko ngayon. Iniunat niya ang braso ko at umunan dito.”hindi na. your heartbeat is enough.”
Nasobrahan yata sa modules at nagkakaganito e. sulitin ko na nga ang paglalambing niya. Hinaplos-haplos ko ang buhok niyang may kahabaan na habang natutulog siya.
Darating din ang araw na hindi na magiging mga nakaw na sandali ang mga ganitong tagpo. Magsisikap ako para hindi na lang laging siya ang gagawa ng paraan para makasama ako. Titira kami sa dreamhouse niyang ako ang magdedesinyo kasama ng tatlong magiging anak namin.
Siguro kapag sa ibang tao ay sasabihin nilang masyado pang maaga para sabihin ko ito, pero ang totoo ay nakikita ko ang hinaharap kong buhay kasama siya. Kasama ng aming magiging pamilya.
--
“eee? Bakit parang tumaba ako...”humarap ako kay Mika suot-suot ang swim suit.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa saka niya ako inabutan ng shorts. ”Wear this one. Hindi ka naman mataba. Sexy mo nga e.”
Naks! Kumucompliment si Moy ah? Naumay yata sa kakatabla sa akin. Husto yata ang tuloy niya. Naku. Baka tatangkad ulit siya nito.
Selfie shots muna bago lumabas at magbabad sa pool. Nirentahan na naman siguro niya itong resort. Makawaldas talaga ng pera itong si Mika e. Kaming dalawa lang ang tao dito. As in!
“Moy...”iniakbay ko ang kaliwang braso niya sa akin habang nayakap ang kanang braso ko sa beywang niya.
“hmm?”
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanfictionSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016