ARA’s POV
Hindi ako nakatulog nang maayos. Maya’t-maya ay nagigising ako. Namiss ko agad ang kama ko sa dorm. Bumangon na ako at kinatok na sina Cienne sa kabilang kwarto. Mag-aalas-sais naman na ng umaga siguro naman pwede ko na silang istorbohin.
Ilang minuto pa akong naghintay sa labas ng pintuan bago sumambulat sa akin si Cienne na namimikit-mikit pa.
“saan ka natulog?”
“Sa kabila.”sagot ko. pagkapasok na pagkapasok ko ay hinalungkat ko ang charger sa bag ko.”Umuwi ba sina Carol?”
Wala akong narinig na sagot. Pagkalingon ko ay nakahiga ulit siya at nakayakap sa kambal niya. Gifted yata ang team ngayon at mga takaw-tulog lahat! Parang mga walang klase ah.
Isa-isa ko na silang ginising. Kailangan naming mag-apura or else malalagot kami sa mga instructors namin. Anghirap gisingin ang mga taong nagtutulug-tulugan kahit kailan!
Makalipas ang may thrity minutes ay napagdesisyonan kong mauna na lang sa dorm. Nag-iwan na lang ako ng note sa kanila saka ako nagpunta sa garden kung saan nag-aalmusal na si Sir Brandon.
“Good morning po…”bati ko sa kanila.
“Morning din. Ang-aga mo namang nagising Victonara.”ibinaba niya ang binabasang dyaryo.”Bakit dala-dala mo na ang bag mo?”
“Tulog pa po kasi sila. Mauuna na ako sa dorm sir. May klase pa kasi ako ng 9:00.”
“Ipapahatid na lang kita.”
Hindi na rin ako umalma. Hinatid ako ni sir sa may kotse. Binigyan niya ako ng panibagong VIP card.
“Para saan po ito?”
Anong kawirdohan na naman kaya ang hatId nito sa akin? sa buhay ko?
“Malalaman mo rin sa tamang panahon.”Kaswal na tugon nila.”But for now. Pag-aaral mo muna ang unahin mo. Hindi mo pa kayang tapatan ang mga taong nagkaka-interes kay Mika pero malay mo pagdating ng araw mas hihigit ka pa sa kanila.”
“Bakit niyo po ako tinutulungan?”
Ginulo ni Sir Brandon ang buhok ko.”Huwag mo nang alamin. Ang mahalaga may kakampi ka.”
“Parang may hindi magandang mangyayari naman sir.”pagbibiro ko pero sa totoo lang ay nakaramdam ako ng kaba. Naku ha! Sir Brandon na itong kaharap ko.
Pinihit na niya ako paharap sa kotse at binuksan ang pinto.”oh siya. Umuwi ka na. Baka naiinip na si Mika.”
Nagpanting ang tainga ko at naexcite ako to the nth level nang narinig ko ang pangalan ng mahal ko. aba! Ilang araw rin kaming hindi nagkita! Sobrang miss ko na ang bakulaw na ‘yon!
Bubuksan ko pa sana ang pinto pero inistart na ni Gwapong driver ang engine. Narinig kong pinalo pa ni sir Brandon ang ibabaw nito at pinatalilis na niya ang takbo.
Si Mika nga pala! Kinuha ko ang ang cellphone ko at sinubukang tawagan siya. unattended naman ang cellphone niya.
Nagbrowse ako sa twitter o sa facebook baka sakaling nag-stat siya. Isa lang naman ang nakita ko. At sa tweet lang ni Ayumi na naka-tag si Mika.
Picture ni Mika na nakahiga sa kama ko at yakap-yakap ang unan ko. hooohh! Nasa Dorm nga siya!
“Wala na bang ibibilis to?”pangungulit k okay gwapong driver. Sa dami kasi ng mga body guards nina Sir Brandon, hindi ko makabisado ang mga pangalan nila.
Hindi siya umimik pero napasandal ako bigla nang binilisan nga niya ang pagpapatakbo niya.
“We will take some short cuts maam. Please fasten your seatbelt.”
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanfictionSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016
