Cienne’s pov
“Nakakainis ka!” sigaw ko ka Kim pagkababa namin dorm.
“Ano na naman bang problema?”
“Wala.”
Naiinis ako sa kakapindot niya ng phone niya. Sa kakacheck dito. Kung anong oras kami pupunta sa shop. Dapat daw maaga kami dahil walang magmamanage sa mga empleyado.
“Hindi ka ba pupunta sa shop? Si Mela na lang madalas ang nandun.”
“Sige. Ngayon na.” May klase ako pero nagpara ako ng taxi at agad sumakay. “Sa Summer Scent tayo manong.”
Hindi naandar ang taxi.
“Manong, bakit?”
“E maam…”
Nakaharang pala si Kim. Nag-aabot na ang mga kilay nito. Bumaba na ako. “Ano? Pupunta tayo sa shop diba?”
Lumapit siya sa akin. Kinuha ang mga bitbit kong libro at hinawakan ako sa kanang kamay. “Ihahatid na kita sa klase mo.”
Hindi niya ako iniimik. Ngumingiti lang siya kapag may mga nakakasalubong na kakilala niya.
“HI cienne!”
Napatingin ko sa mga Nursing Students na nakatamabay sa hall way.
“Gumaganda ka lalo ah! Kelan ang next game?”
“Bukas.”
Lumapit ang isa sa kanila na may dalang bulaklak. “Hindi ka naming malapitan nung game. Nagtampo ang nanay ko sa akin nung hindi ko naibigay yung pinadala niyang bulaklak sayo.”
Tinanggap ko naman ito. Galing sa nanay e. Mula sa likuran naman niya ay isang pirasong red rose.
“Ito naman galing sa akin.”
Naku! Para-paraan din to.
“Sige. Baka ma-late ka na.”
Malapit na kami sa classroom ko. “Para-paraan din yon no? Ginamit pa ang nanay.”
“Ganun talaga.”
Angdry niyang kausap.
Nasa tapat na kami ng classroom. “Pero in-fairness. Magaganda ang mga bulaklak. Mukha na na akong altar Kimmah?”
“Hindi.” Iniabot na niya ang mga libro ko. “Text kapag malapit na matapos ang klase mo.”
Angbigat naman sa pakiramdam ng mood niya. Hindi ako makapagtext dahil istrikto tong si Sir. Kainis naman. Masama yata ang loob ni Kim.
“Cienne, are you okay? You’re zoning out again.”
“Ok lang sir. Masakit lang ang ulo ko.”
Naidukdok ko ang ulo ko sa mesa nang lumabas si sir. Kinuha ko ang pagkakataon para maitext o matawagan si Kim. Nakalimang text na ako pero hindi siya nagrereply. Pati tawag ko kinakansel.
Inopen ko agad ang message nang mag-appear ang pangalan niya.
“MAY KLASE PA.”
Dapat alcaps? Hindi ba niya alam na nagbibigay ng statement ang mga ganun text.
Me: galit?
Nakabalik na si Sir kaya hindi ko na napansin kung nagreply siya o hindi. Siniko ako ng katabi ko at pinakita ang image sa phone niya. Picture nina Mela at Kim sa isang coffee shop.
Kunot na naman ang noo ko. “Problema mo?”
“Wala. Pinagpipiyestahan na nga sa IG at Twitter ang girlfriend mo at ex niya. wala ka ring gagawin?”

BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanfictionSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016