Carol’s Pov
Natalo naming ang Mamuru pero hindi lubos ang kasiyahan ko. Hindi na kami nagpaunlak sa mga fans. Agad na kaming nagtungo sa hospital kung saan dinala si Camille.
Tulog pa siya nang maratnan namin. Tanging si sir Brandon at Mika ang nagbabantay sa kanya.
“Kumusta na siya tito?”mangiyak-ngiyak na tanong agad ni Cienne.”ok naman siya diba?”
“Kailangan niyang mag-undego ng surgery as soon as possible sabi ng doctor.”sagot ni sir Brandon.
Bangungot ng isang athlete ang mapunta sa kalagayan ni Camille. Aabutin ng hanggang isang taon upang makarecover siya nang tuluyan sa ganitong klase ng injury.
Pinauwi na muna ni tito sina Kim at Cienne para makapagpahinga. Ako man ay nagpilit lang na magpaiwan para paggisin ni Camille at ako agad ang una niyang makikita. Sina Mika at Ara naman sa mga oras na ito ay nasa byahe patungong Baguio kasama ang mga pinsan niya.
“Carol, you can go back to the dorm. ipapahatid na lang kita sa bodyguards.”alok ni sir Brandon.
“Ok lang po ako dito sir. Don’t worry po.”
Nahihikab-hikab na rin ako pero ayokong matulog. Hihintayin kong magising si Camille. Lumabas si sir Brandon para bumili ng kape.
Hindi ako umalis sa tabi ni Camille. Why so clumsy pako! Ok na yung sa akin ka lang nahuhulog e sinasalo naman kita diba? Bakit kailangang umabot pa sa ACL? Hay.
“Mag-a-undergo ka ng surgery bukas Pako. Lakasan mo ang loob mo ha?”mahina kong paalala sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya. Maniwala ka sa akin pako mas gusto ko pa yung mabangis kang kausap kaysa ganito.
“Carol…”anas niya habang nakapikit.”kumanta ka please.”
“inaantok ka pa?”haplos ko sa Kamay niya.
Nag-hum lang siya bilang tugon.
“The incy-wincy spider went up the water spout…”nangingiti naman siya habang kumakanta ako. boses ko kasi pangnursery rhymes lang!”down came the rain and wash the spider out! Up came the sunshine and dried out all the rain. The incy wincy spider went up the spout again…”
Hindi naman na siya umimik. Hindi ko naman kaboses si jiggly puff pero sana makatulog siya nang mahimbing . Bibitawan ko na sana ang kamay niya pero hinigpitan pa niya ang hawak dito.
“Huwag kang umalis. Kapag wala ka sa paningin ko natatakot akong may iba kang kasama.”
Hinalikan ko siya sa noo.”Marami pero mga kaibigan lang Camille. Nothing more than that. Dito lang ako magpahinga ka lang.”
Pinag-intertwined niya ang mga daliri naming.”Natatakot ako Pako. Dito ka lang please.”
Binasahan ko na lang siya ng kwento sa tab ko since hindi na rin naman daw siya makatulog. Siguro kahit umabot na apat na level ang eyebags ko ay wala na akong pakialam basta nakikita kong nakakangiti si Camille. Si sir Brandon nga nakaidlip na rin sa kakapakinig sa pagbabasa ko e. ikinumot ko na rin sa kanya ang extra blanket na pinakuha ko sa nurse.
“Hindi ka pa inaantok?”tanong niya.
Umiling ako pero traydor ang antok na to. Napahikab kasi ako nang wala sa oras. May kasama pang naluluha-luha ang mga mata. Gawa rin siguro ng pagod sa laro kanina.
“power nap lang. five minutes.”ngiti ko sa kanya.
Kinuha ko ulit ang monobloc chair at naupo sa tabi ng hospital bed. Iniunan ko ang ulo ko sa gilid na nakaharap sa kanya. Siya naman ngayon ang humahawi sa buhok ko.

BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanficSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016