Japan or Philippines?

4.8K 126 7
                                    

ARA’S POV

Anglakas magpower trip ng mga to. Game na game naman si Carol at Kim. Ako? Pinilit lang ako ni Ayumi since wala naman daw oras para sa akin si Mika kaya gugulin ko na lang ang free hours ko para tulungan silang tatlo sa surprise nila sa kambal. Pinagmamasdan namin ang twin couple. Kakainggit naman oh. Mika uso ang manorpresa rin.

“Those twins are cute huh.”

“playing cupid Ayumi. Kumusta naman ang lovelife mo?”pang-aasar ko sa kanya.

Umakbay siya sa akin.”Vic, you don’t have anything to do with it so back off.”pasimpleng warning pa niya.”inggit ka lang e.”

Minsan naisip ko sana hindi na lang natutong magtagalog tong si Ayumi e. kasi nakakarami na siya ng pang-aasar. Kung bully si Mika mas doble pa ang bully powers niya!

Wala nang change costume deretso kain na ulit! Magpapakabusog na lang ako kaysa mainggit sa kambal na lovey dovey mode pa rin kahit nag-aasaran.

“you really hungry huh? Tired much?”pansin sa akin ni Ayume matapos niya akong kuhanan ng picture.

Nakakahiya naman ang pagnganga ko! kuhang-kuha e. Magaling yatang tutor ni Cobie sa photography at kagaganda ng anggulo ng kuha ni Ayume. Nagbrowse pa ako ng mga pictures. Mukhang walang balak magparamdam ni Mika ngayon e. Nasanay na siguro ako na hindi siya nagpapahuli sa mga sorpresa kaya nagkakaganito ako. FEELING DISAPOINTED.

“What’s the matter Vicky?”malambing na tanong niya.”are you okay?”

Tumango ako.”I miss her. She is busy though.”binalik ko ang camera niya.”What do you want to eat? Ikukuhanan kita.”

Carbonara lang ang gusto niyang kainin pero kumuha na rin ako ng sushi. “angdami mong kakainin.”pansin ni Ayumi na nakapila rin pala.

“It’s for Ayume. Hindi mo inaasikaso ang bestfriend mo ah. Huwag ganun. Dapat ikaw gumagawa nito e.”panenermon ko.”kaya ka pinapagalitan ni tita e. hindi mo siya lab.” Biro ko pa sa kanya.

Nakakwentuhan ko kasi ang mama ni Mika. Nagsumbong daw pala si Ayume na walang oras para sa kanya ang itong bestfriend niya. Natutuwa nga si tita kay Ayume. Parang mas mahal na nga siya kaysa kay Mika at Ayumi e. Paano kasi sa mga usapang kakikayan nagkakaintindihan sila! Anong aasahan naman ni tita kay Mika? Lalo na kay Ayumi.

“Give me that.”kuha niya sa platong hawak ko.”bine-baby mo ang bestfriend ko. di pwede ‘yon.”

Tinawanan ko lang siya.”baliw…”

Bago pa man kami makarating sa table ni Ayume ay natigilan na tong kasama ko. Muntik pa tuloy matapon ang dala-dala akong juice.

Masaya kasing nakikipagkwentuhan si Ayume kay Cobie. Pinaandaran na naman siguro ng pagkasiraulo ni Cobie kaya ganyan tawa lang siya nang tawa.

“oh I smell a green monster coming out yeah…”pang-aasara ko sa kasama ko.”pauuwiin ko na ba sila nang hindi sila madamay?”

Umiling siya. isang buntong hininga ang pinakawalan niya saka kami lumapit sa mesa nina Ayume.

“bakit ka nandito?”bungad ko sa kanya.”diba busy ka rin?”

Walang pakundangan niynag binawasan ang pagkain ni Ayume. Sinubo niya ang isang sushi at nginitian lang ako habang nginunguya ito. Sinamaan ko siya ng tingin dahil ramdam kong gagayahin niya si Mika na magsasalita kahit punong-puno ang bibig.

Tawa naman itong si Ayume,”you need water? Ha ha. You dork!”abot niya ng isang basong tubig kay Cobie Rugby.

“may gagawin lang ako.”excuse ni Ayumi.

UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon