CAROL's pov
"Cienne, okay ka lang? Bakit ka naiiyak?"Pansin ni Ara sa kanya.
Tension! Overload ang tension sa dinner. Nakatuon kaming lahat kay Cienne tuloy. Ito naman kasing si Kim at Denise, anglakas ng trip e.
Tumayo na ako para ilayo muna si Cienne.
Nagpaalam akong mauna na kami sa dorm.
Pinahatid naman kami ni Tito Miguel.
Hindi matigil ang pag-iyak ni Cienne habang nasa byahe. Wala naman akong alam na pwedeng sabihin para mapagaan ang pakiramdam niya dahil ako mismo ay naiinis sa karuwagan niya.
Nasa dorm na kami. Padabog niyang isinara ang pinto.
"Mang-aagaw ang babaeng yon! lahat na lang ng atensyon gusto niya sa kanya! Si tito Brandon. Si Kim! Lahat na lang!"
Hindi ko na ginatungan ang kung anuman ang pagmamaktol niya. Sisiguraduhin ko lang na hindi siya aalis ng dorm. Yun lang!
Pumasok siya sa kwarto. Maya-maya ay lumabas na may dalang bag pack.
Humarang ako sa pinto.
"saan ka pupunta?"
"Magpapalipas ng oras."
Nagring ang phone niya. Inagaw ko ito. Image caller ni Alfher ang nag-aappear.
"Hindi ka aalis." Inooff ko ang phone at ibinulsa. "Walang aalis!!"
"Bakit ka ba nakikialam? Kakampi ka din ng denise na yon diba? Magsama-sama kayo!"
Sa payat niya hindi niya ako maitulak. Kinaladkad ko tuloy siya sa kwarto niya. Magsosorry na lang ako kay Camille kapag nagkapasa tong kapatid niya.
"Dito ka lang. Hindi ka makikipagkita kay Alfher sa ganitong oras ng gabi!"
"Shit lang!"
Sino ba namang matinong lalaki ang makikipagkita sa babae nang ganitong oras kung mabuti ang hangarin? The fuck with that guy!
Ito tumatawag na naman. Hinahayaan ko lang.
Maya-maya ay may tumigil na kotse sa tapat ng dorm.
"Cienne. Nandiyan ka ba?"
Lumabas ako. Parang nagulat pa siyang ako ang kaharap niya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ah Carol, si Cienne? Gusto ko sanang makausap."
Tumingin ako sa relo ko. "Alas onse na ng gabi Alfher. Anong pag-uusapan niyo?"
Hindi siya nakaimik.
"At pwede bang bawas-bawasan mo ang pakikipagkita kay Cienne? Napapabayaan niya ang pag-aaral niya at paglalaro niya."
Hinintay kong makaalis siya. Hindi ko talaga gusto ang lalaking yon.
--
Isang nakakaantok na umaga!
Maaga akong umalis para makipagkita kena Melton. Nothing special, babawi lang ako dahil hindi ako nakapunta sa birthday niya.
10:00. Nakarating ako sa meeting place. JMR mall. Nandito na ang magkapatid na Den at Vio. Nag-eenjoy na sila sa foods!
"Long time no see."bati ko sa kanila. "Kayo lang?"
"Alam mo namang basta libre nangunguna kami e. Papunta na din si Melton at Yuri dito."
Ubos na nila ang isang box ng pizza. Grabe tong magkapatid na to. Walang kabusugan.
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanfictionSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016
