Torn in another situation

3.2K 122 10
                                    

MIKA’s POV

Nanlulumo ako habang pinagmamasdan si Ara. Angdaming apparatus ang nakasaksak sa katawan niya. Nakabenda ang kaliwang binti niya dahil sa malaking sugat na natamo nito. Maging ang kanyang mga braso at mukha ay nagtamo ng mga sugat dahil sa nagsitalsikang mga bubog ng salamin.

“How is she?”tanong ni ate Liam pagkadating niya.

Yumakap ako kay ate. I can’t utter any words. Ara is in a state of coma and the doctor can’t tell how long she’ll stay like this. She might look peacefully sleeping but we can never tell kung kailan siya gigising o kung gigising pa ba siya. Shit. I swear gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para mahuli ang nag-hit and run sa kanilang dalawa.

Hinahagod-hagod ni ate ang likod ko trying to calm me down but hell! Buhay ni Ara ang pinag-uusapan dito.

“She’ll wake up. She’s a strong woman.”

We were asked to leave the room. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Bakit kailangang mangyari ang mga to. Bakit ngayon pa?!

“Mika kain muna tayo. Hindi ka pa nagtatanghalian.”Rinig kong yaya nina Kim sa akin.

“Wala akong gana. Hihintayin kong magising si Ara.”

Ayumi stayed with me outside Ara’s room. We are patiently waiting for the doctor dahil mag-uundego pa ng ilang tests si Ara.

“She’ll get through this. Trust me.”

“Madaling sabihin dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko.”

She patted my shoulder.

“Do everything you can Ayumi to find that damn wreck less driver. Alam kong may magagawa ka.”

“I’ll work on it kahit hindi mo sabihin.”

---

“Papa naman! Comatose na nga si Ara at lahat gusto niyo pa ring akong umalis ng bansa? Konting konsiderasyon naman pa. girlfriend ko na ang pinag-uusapan dito!”

I have been arguing with my father since I told him I don’t wanna pursue on my business obligations. Gusto kong manatili sa tabi ni Ara hanggang magising siya. It has been two days and yet wala pa rin.

“She has her family. We will also help. Kailangan mo rin namang gampanan ang tungkulin mo sa pamilya Mika. Is that difficult to understand?!”

Tumayo na ako. Napapagod na ako sa usapang to. Useless rin kung magtatrabaho ako araw at gabi na hindi ko alam kung maayos na ang kalagayan ni Ara.

“Itakwil niyo na lang ako ulit. Bahala kayo.” I slammed the door of his office and went straight to my car.

I drove my way back to the hospital and hoping that my girlfriend will wake up from coma. Maayos na ang kalagayan ni Kuya Vincent. Naisalaysay na rin niya ang mga pangyayari at nahanap na rin ni Ayumi ang gagong lasing na nabanggaan nila.

Gusto ko siyang bungguin ng lancer kahapon at macomatose rin siya gaya ni Ara. He was positive in the drug test and is now put into jail.

I don’t mind these two long hours of trip just to reach her.  Naratnan ko si Ayumi sa labas ng kwarto niya. Nakasandal ay pinaglalaruan na naman ang mga karayom niya.

“They are checking on her.”bungad niya sa akin.”How’s the argument?”

“I don’t wanna talk about it.”

We waited for minutes. Wala pa ring pagbabago sabi ng doctor. Binisita muna namin si kuya Vincent na nasa kabilang kwarto lang.

“Gising na ba siya?”

UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon