CAROL's POV
Masasabi ko namang nasulit namin ni Camille ang mga araw niya dito sa Pinas. Pero sadyang mabilis talaga ang oras at araw kapag kasama mo ang mahal mo.
Kaya heto parang ayaw ko nang bumangon. Ngayon na kasi ang flight nila.
"nakaligo na ako at lahat hindi ka pa rin bumabangon."
"Komportable ka na talagang maglakad-lakad sa harapan ko nang nakatuwalya lang no? ha ha!"
Sinimangutan niya ako. "Bumangon ka na diyan."
BUmangon nga ako para yumakap sa kanya. Backhug is always romantic talaga. Bango ng girlfriend ko!
"Pako, Sobrang pagtitimpi na tong ginagawa ko ha."
Hinarap niya ako. "Bakit? May reklamo ka?"
Ngumiti ako. "Wala po. Sinasabi ko lang mahal ko." saka ko siya kinintalan ng halik sa noo.
"Buti naman. May nabasa kasi ako na pag na-try na daw yon hahanap-hanapin na.Baka pag wala na ako dito e hanapin mo sa iba. Mahirap na no."
"Ha ha! Adik! Saan mo napulot yan?! Gusto mo subukan natin e tapos kung hahanapin ko e totoo yan. Pag hindi e de false! Ha ha!"
Kinutusan ba naman ako. "Mukha mo! Magtiis ka. Kung mahal mo nga ako e makakapaghintay ka no."
--
Breakfast. Wala si Dennise. Ayaw daw niyang sirain ang araw ni Cienne kaya minabuti niyang umalis muna.
Tinawag ni tita ang pansin ko. "Dalaw-dalawin mo ang Tito Brandon niyo ha? Kayo nina Kim. Tumatanda na to e. Kailangan niya ng mga kausap."
Natawa tuloy ako. Si tito gustong magdis-agree e.
"Kahit dito na lang din ako tumira tita. Pwede e. basta hatid sundo ako ng mga bodyguards para cool."
"That I would agree on."biglang sabi ni tito. "Maraming kawarto dito. Kahit dito na ang buong team niyo. Mamimiss ko ang ingay ng bahay kapag wala na tong kambal."
"Sus. Drama si tito."sabat ni Camille. "Nirecord ko yung mga atungal ni Cienne. Ha ha! gusto mo iplay mo araw-araw? Yung paulit-ulit niyang sinasabing..."
Nagsabay kami ni Camille. "Kainis ka Kimmah! Mahal na mahal pa din kita! Kakainis ka!"
"repeat five times tito."dagdag ko pa.
Yes! Nung gabing umalis si Kim ay parang ewan tong si Cienne. Parang nagriritwal nga e. Tapos kapag sasabihin naming balikan na lang niya, aayaw naman siya. Oh diba?
"Okay na? Masaya na kayo?" sarkastikong sabi ni Cienne.
"Yes kambal. Masayang masaya. Look." Pinaglakip ni Camille ang mga kamay namin at pinakita kay Cienne. "Happy diba?"
Pang-asar talaga tong mahal ko e. Nairapan tuloy siya ng kambal niya. Sinaway naman na kami ni tita.
"Kim called last night."sabi ni Tito.
"Kinausap ka din?" Dagdag naman ni tita.
Tito nodded.
"Tapos na ako."sabi ni Cienne saka siya tumayo.
Kunwari-kunwariang hindi nahuhurt! So nung wala na siya nakitsismis na kami! Ha ha.
"Ansabi ni Kim?"
"Wala naman nangangamusta lang."sagot ni tito. "Hindi naman matagal ang pag-uusap namin."
Bumaling ako kay tita.
"Tita? Walang tsismis? Baka susunod sa US. Can afford naman sila. ano? Wala talaga?"
Umiling si tita.
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanfictionSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016
