Aalis ka ulit?

2.4K 109 10
                                    

Mika’s POV

“Matagal pa ba akong ganito?”

Naupo ako sa tapat ng wheel chair. I nodded at her. “Hindi pa kaya ng mga binti mo. Weak pa e.”

Napabuntong hininga si Ara. Tinanaw niya ang mga kapwa niya pasyente na nandito sa garden ng hospital.  Masaya ang pakiramdam ko na naalagaan ko siya.

“Hanggang kailan? Naiinip na ako.”

“Hanggang kaya mo nang tumayo at maglakad mag-isa.”

Napasimangot na naman siya. We took some pictures and posted on our accounts to keep our followers updated. Miss na daw nila ang tandem namin sa games but sad to say neither of us will play for the next seasons.

“Magaling ba tayong magvolleyball?”

TUmango ako. “Ikaw gifted. Ako sobrang nagtraining.”

“Okay. Si Ayumi? Magaling din?”

“Siyempre. Kapatid ko yon e. Gifted din siya parang ikaw.” Naalala ko yung bracelet! Dinukot ko sa bulsa ko. Buti hindi nawala e.

“Para san yan?”

“Bracelet mo to. Na-kay Kuya Vincent nung mga panahon na comatose ka. Binalik ko lang.” isinuot ko sa wrist niya. “Huwag mong tatanggalin ha? Regalo ko kasi yan sayo nung birthday mo.”

Nakatitig lang siya dito. “Anong regalo ko sayo sa birthday mo?”

“Ito. Yung gising ka na. Ito na ang pinakabest birthday gift mo sa akin.”

Tumango lang siya. Sabi ni Ate Jane I need a lot of patience with her situation. Palatanong si Ara. Basic facts about our friends. About us.

“Bakit mo ako girlfriend? Pareho naman tayong babae?”

Paano ko ba ipapaliwanag to?

“Pwedeng Pass muna? Mamaya ko na sagutin?”

“Huwag na. Itatanong ko na lang kay Ayumi. Kailan siya dadalaw?”

Somehow it irritates me. Lagi niyang isinisingit kung kailan dadalaw ang kapatid ko. Three days straight na din na hindi siya nagagawi dito. I don’t know what’s keeping her busy.

“Hindi ko alam. Pero sasagutin ko na ang tanong mo.”

“Hindi na. Balik na tayo sa room.”

Mood swings pa Ara? Papunta na kami sa bagong room niya. May kaunting pagbabago sa ugalig ni Ara. Gusto niya siya lagi ang nasusunod. Kahit si Kuya Vincent napansin iyon pero inuunawa na lang niya ang kalagayan ni Ara.

“Isama mo naman si Ayumi sa susunod.”

Hindi na ako umimik. Hindi ko naman siya matatanggihan ngayon. Naubusan na kasi ako ng palusot. Hinihintay nap ala kami ni Kuya Vincent.  Siya ang kumarga kay Ara para mailipat sa kama.

“Hindi ka daw makontak ng papa mo.”sabi niya. “Nasaan ba ang phone mo?”

“Naka-off.”

“tawagan mo daw. Importante.”

“Aalis ka na naman?” biglang sabi ni Ara.

Kaya ko nga in-off ang phone ko dahil ayong kulitin ako ni papa na imeet ang mga business partners niya. Baka kasi ipadala na naman ako sa kung saang lupalop ng Pilipinas e.

Dinukot ni Kuya Vincent ang phone niya. He sighed upon checking the caller. Iniharap niya sa akin ang kanyang phone. Number ni papa.

“Hello sir…

UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon