Kim's HOME sweet HOME

1.7K 77 11
                                        


KIM's POV

Home sweet home! Chill lang ako dito sa bahay na binili ni Ate Rhcyk. Independent life! Pero panay naman ang tawag ni mamang! Hindi ako magugulat kung bukas makalawa ay may kasambahay na ako dito.

SI ate naman. bibilhan-bilhan ako ng bahay pero panay din ang pangangamusta. Parang ngayon! tumatawag ulit.

>>>Kararating ko lang. Worried agad?

(Gusto mo bang magpadala ako ng kasama mo diyan?)

>>>Ha ha ha! Huwag na! Kaya ko naman! Don't worry ate okay? Kaya ko to.

(Tawag ka lang kapag nagkaproblema ha?)

>>>Oo na. Sige na. magluluto pa ako. bye bye!

Okay Kimmy! Magluluto ka na. Anong iluluto mo for dinner? Nagtingin ako sa mga pinamili ko. Hmm. Bacon and egg na lang. Yun ang madali e! ha ha!

Malolowbatt na ako sa kakatawag nila e. Para naman 13 years old akong nakatirang mag-isa dito.

Ahy wait. Si Carol ang tumatawag.

>>>Uy... bakit? Busy ako nagluluto.

(Kimydors!!! Miss ka na namin. Nandito ka na sa Manila no? Mint tayo? Nag-aaya si Gabby.

>>>Kayo na lang. Pagod ako e.

(nasa dorm ka ba?)

>>>No. sa bahay ko. Punta na lang kayo dito? What do you think?

(Sige sige. Call ko din ang KaRa para mas masaya!)

Parang kailangan kong magbago ng iluluto. Anglalakas kumain ng mga yon e. Mag-order na lang kaya ako?

Nagtext pa si Carol.

Carol: Boss Kimmy si Denise na daw magluluto. :) UYYY KINIKILIG. Ha ha

Me: Baliw. Mas mabuti pa nga. Sige. Bili lang ako ng drinks.

Lalayo pa ba ako? may sari-sari store naman sa kabilang bahay e! Hindi na namin mauubos ang anim na litro ng softdrinks.

Naiinip na ako! Mabilis yata makaboring tong walang kasama sa bahay. Iniayos ko na muna ang mga gamit ko sa kwarto.

Super walang gamit na may konek kay Cienne. New beginning. Except dito sa team picture na siyempre kasama pa ang kambal.

Sina Carol na siguro yung kumakatok.

"Mas nauna pa kayo ah!"

Sina Mika at Ara pala.

"Hindi niyo kasama ang mga chikitings."

May dala na silang spaghetti galing sa isang fastfood chain. "More time with each other muna bago siya umuwi sa Bulacan."

Halata namang malungkot si Mika. Iniabot ni Ara yung foods. Hirap pa din siyang maglakad dahil sa saklay. Sayang talaga kung hindi lang sana naaksidente si Ara malakas sana ang laban ng team sa season na to.

"Kelan ka uuwi Ara?"

"Bukas."

"Oh? Angbilis naman. Bukas na lang ng isa para bonding pa."

"Sinasabi ko nga sa kanya. Mapilit namang umuwi."

Iba ang tono ni Mika. May navavibes akong hindi maganda. Hindi na umimik si Ara. Please kung mag-aaway sila huwag dito naman. ha ha! Kararating ko lang e alangan WORD WAR ang sasalubong sa akin?

"I am looking forward to play with you two. Kung hindi ngayong season ay sa susunod."

Ngumiti si Ara. "Mas malakas na team."

UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon