God's will

3.2K 140 22
                                    

Carol’s POV

Naging tahimik ang buhay naming magkakaibigan sa paglipas ng mga buwan.  Unti-unti ay nababawasan ang oras sa paggala dahil sa schooling. Hindi ko alam kung nagmamature na ba kami o naapektuhan kami ng sobra sa kawalan ng presensya nina Mika at Ara. Naging stagnant kumbaga ang buhay naming sa loob ng halos anim na buwan.

Hindi pa rin nagigising si Ara. Nakailang beses ding uwi si Mika para bisitahin siya. Dahil sa training ay hindi kami gaanong nakakadalaw sa kanya maliban na lang kay Ayumi na madalas sa hospital at binabasahan siya ng mga articles tungkol sa team at sa kapatid nito. May mga pagkakataon pa rin na parang nahahagip ng paningin ko si Ara tapos bigla siyang maglalaho. O de kaya ay magigising ako sa gabi dahil may naririnig akong naghahanap kay Mika. Wala akong pinagsabihan dahil ayokong matakot sila.

Away bati pa rin sina Kim at Cienne. Laging pinagmumulan ng tampuhan nila ang shop at si Mela. Malakas naman ang benta ng shop dahil sa mga followers ng bawat team. Napipilitan si Cienne na makiharap kay Mela para hindi makagalitan. Walang problema kay MEla itong si Cienne lang ang may malaking selos problems. Mukhang siya lang ang bumagal ang pagmature. Possessive talaga.

Kami naman ni Camille ay naging mas matatag. Nanonood sa training pero mas pinagtuunan ng oras ang pag-aaral. Selosa pero hindi agad nagcoconclude kung sinu-sino ang kasama ko. Nagsasabi kasi ako kung pupuntahan ko sina Yuri o kung saan ang location ko. Ang hinihiling ko lang ngayon ay matanggap ng kambal ang kapatid nilang si Denise. Sigurado naman kasi akong hindi maitatago ni tito Brandon ang katotohanan habambuhay.

Malaking tulong na kaibigan ko na si Denise. Nakikilala ko pa siya nang lubos at napagtanto kong maganda ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang ina. Mabait at maalalahanin siya. Hardworking at hindi isinasantabi ang pag-aaral.

May tatlong linggo na rin akong hindi nagagawi sa bahay nila dahil nagpadala din si tito ng Brandon ng tauhan niya para magmanman doon. So far wala pa namang masamang nangyayari bukod sa taong laging dumadaan sa bahay nila para magmanman. Ayon sa tauhan ni tito nagtatagal daw ito ng thirty minutos hanggang isang oras sa labas ng bahay. Wala naman daw ginagawa.

 “Cerveza, patulong nga. Nawawala yung phone ko e.”tawag sa akin ni Kim.

“Subukan mong tanungin si Cienne. Siya ang mahilig mag-inspection ng Cellphone diba?”

Napabuntong hininga siya saka muling pumasok sa kwarto nila.

Bilib din ako kay Kim, kahit lampas ulo ang pagiging possessive ni Cienne ay hindi siya nasasakal. O hindi lang niya pinapahalata. Ha ha.

Habang tulog pa ang karamihan sa amin ay nagluto na ako. Ganito na lang ang ginagawa ko para makabawi sa mga absent ko sa dorm chores. Kapag kaya pa kasi ang oras ay umuuwi ako sa bahay nina tito Brandon para malagaan din si Camille. Maganang kumain ang lahat lalo pa nang nakatanggap kami ng message na hindi matutuloy ang training dahil may importanteng lalakarin si coach. May kanya-kanya na nga silang lakad e.

“Sama ka ba Cerveza?”tanong ni Kim.

Umiling ako. “Pupuntahan ko si Yuri. May kailangan akong kunin sa kanya e.”

Hindi naman na nila ako kinuwestiyon. Siguro ay sanay na sila dahil kung hindi kay Camille ang punta ko ay sa Mamuru lang.

Katatapos kong magbihis nang pumasok si Cienne. Nakahalukipkip siya at mabigat ang aura na parang inuusig ako.

“Sino ang lagi mong pinupuntahan sa Mamuru?”

“Si Yuri.”sagot ko naman agad.

“Talaga?Ipaliwanag mo nga to.” pinakita niya ang mga pictures naming ni Denise na nagkukwentuhan.

UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon