AN: huwag basahin kung ayaw mabitin! lol.
--
Carol’s POV
Kasalukuyang nasa operating room si Camille. Pare-pareho siguro kami ng nararamdaman dito sa labas operating room.
“Bakit parang angtagal.”pag-aalala ni Cienne.
“Relax lang.”rinig kong paalala ni Kim sa kanya.
Nakayuko lang ako at matiyagang hinihintay ang paglabas ng doctor. Malayo naman sa bituka ang operasyon niya pero iba pa rin ang pakiramdam kapag taong mahalaga sayo ang pinag-uusapan. May posibilidad kasi na hindi na siya makapaglaro kung hindi gumanda ang kondisyon ng injury niya.
May isang oras rin ang lumipas bago inilabas ng OR si Camille. Nagpaiwan kami ni tito Brandon para kausapin ang doctor. Actually, si tito lang ang nakikipag-usap. Nakikinig lang ako at tinatandaan ang mga activities na kailangang iwasan ni Camille.
“Can you handle the pressure?”tanong ni tito habang patungo na kami sa kwarto ni Camille.”siguradong mapapadalas ang moodswings ni Camille. Hindi madali ang matigil sa paglalaro.”
“Opo. Patience is a virtue diba?”
“Patience is a talent Carol. Sana humaba pa ang pasensya niyo ni Kim sa kambal.”
Nangiti na lang ako bilang tugon. Agad kong hinugot ang cellphone ko nang paulit-ulit itong nagvibrate.
Yuri calling…
>>>Hello…
(Kailangan ka dito sa HQ.)
>>>pero nandito ako sa hospital…
Pi-nat ni Tito Brandon ang balikat ko. “Dalawang oras pa siguro bago magising si Camille. Baka importante yan…”
>>>sige. Sige. Papunta na ako.
Pinutol ko na ang call saka ako nagpaalam kay tito Brandon. Kotse na rin niya ang ginamit ko para madali akong makapunta sa kinaroroonan nina Yuri. Wala talagang pinipiling oras ang mga yon!
Binilisan ko ang pagmamaneho para hindi makabalik rin ako agad ng hospital. Naku naman! Thirty minutes pa akong nagmaneho bago makarating sa Head quarters. Sa labas ay mukha lang siyang isang simpleng bahay pero hindi ka basta-basta makakapasok dito dahil sa mga gadgets na ikinabit nina Den at Vio.
Ang mismong doorknob ay may sensor na tanging mga miyembro lang ng shizukana ang nareregocnize nito. Hindi rin naman ako maalam sa advance technology na ginagamit nila pero kahit papaano ay nilelecturan nila ako at unti-unti na rin akong natututo.
“sana importante to ha.”bungad ko agad kay Yuri pagkapasok ko.
Nakatutok siya sa monitor katabi sina Den, Vio at Naeomi. Kinawayan niya ako para lumapit.
“nakikita mo yang babaeng yan?”
Malamang! Anglinaw ng kuha ng CCTV e. Kuha lang ito kahapon ah. Sa may dug out ng Mamuru. Yung libero nila ang tinutukoy ni Yuri.
“may problema ba sa kanya?”
Inabot niya sa akin ang isang folder.
“Denise Michelle Lazaro,”paninimula ni Yuri.”volleyball player, sophomore, kapatid ng kambal na cruz.”
Nanlaki ang mga mata ko sa huli niyang sinabi. “paano?”
Pinindot ni Vio ang isang file sa computer at tumambad sa amin ang larawan ng isang mag-anak. Binyag ba yan o birthday?
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanfictionSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016
