CAROL’s POV
“Party ang pupuntahan natin bakit kayo nakasimangot?”
Si Mika yan. Akala mo kung Masaya rin siya. Halata namang malungkot rin siya. Tinatago lang niya sa team.
Saktong isang buwan ang lumipas mula nang nagpaalam siya sa team. Hindi ko na ikinagulat ang rason niya pero ganun pa rin ang lungkot na nararamdaman ko.
“Baliw ka. Parang gustong-gusto mo talaga kaming iwan ah.”malungkot na sabi ni Cienne.”Angsama mo Mika. Paano tayo magchachampion kung wala ka.”
“Ayumi is in the team. She’s a good replacement. Diba Ara?”akbay niya sa girlfriend niya.
Tumango si Ara.”Mas magaling pa si Ayumi kaysa dito.”
Parang angpaplastik naming lahat ngayon. Pilit pinapasaya ang sitwasyon sa kabila ng katotohanan bukas ay iiwan na kami ni Mika at hindi naming alam kung gaano katagal siyang mawawala sa team.
Gumayak na kami patungo sa JMR resort kung saan gaganapin ang despidida nina Mika at Kuya Migz. Pareho silang ipapadala sa ibang bansa para asikasuhin ang mga negosyo ng pamilya nila.
Kasabay ko sa kotse ang kambal at si Kim.
“Angbilis lang no?”basag ni Camille sa katahimikan.”Sino kaya ang susunod na aalis sa atin?”
“Kambal naman. Hindi tayo singyaman ng mga Reyes para sa mga ganung ka-ek-ekan. Makipagsosyo na nga kay Mela hirap na ako aalis pa ng bansa? Baka mapuno ang logboon nitong si Kim sa mga babae niya.”
“oh nadamay na naman ako!”reklamo ni Kim.”pero tama ka. Hindi naman natin alam kung ano ang iniisip ng mga thunders e. for all we know may mga tickets na tayo papuntang impyerno ng businessworld.”
“Kayo lang.”pang-aasar ko naman.”Huwag kang mag-alala pako kahit saan bansa ka pa ipatapon ng pamilya mo kung sakali susundan pa rin kita.”
“Lakas makapromise ah. Baka sorry ang kahihinatnan niyan?”pananabla niya sa akin.
Marami ang may gustong mapunta sa kinalalagyan ng mga mayayaman, mga alta sa siyudad, mga tagapagmana ng malalaking kompanya pero kung alam lang siguro ng nakakarami ang hirap at sakripisyo ng mga tulad nina Mika ay mas pipiliin na lang nilang maging commoner tulad ko at mamuhay nang tahimik.
“Angtahimik mo bigla Pako. May problema ba?”
Umiling ako. ”Anggulo rin ng pamilya niyo no? Hindi niyo alam kung bukas makalawa may malaking negosyo na kayong imamanage. Tas baka ipapakasal na rin kayo sa ibang tagapagmana. Parang teleserye lang.”
“baliw ka ba. Kung may gusto man kaming pakasalan ni Kambal kayong dalawa lang ni Kim yon no. itatakwil ko si tito Brandon kung ipapakasal niya kami sa ibang lalaki.”proud na sabi ni Cienne.
“Lawak ng imahinasyon mo Pako. Nagdadrugs ka ba??”
“Sinasabi ko lang.”depensa ko naman.”hmmm, Si Ayumi buti tanggap siya ng pamilya nina Mika no? Paano Kung may kapatid rin kayo sa labas? Paano kayo magrereact?”
“Naku Carol. Kung magsalita ka parang nakatatanda ka sa amin ah. Anong binabatak mo?”banat na naman ni Cienne. “Saka kung may kapatid man kami o de masaya. Basta ba hindi malandi at hindi epal sa pamilya e.”
--
Close family friends lang ang invited sa party. Kami ang unang nakarating sa convoy ng team. Derecho na kami sa garden kung saan naghihintay na ang mga nakatatandang Reyesses.
Nakakalula kung tutuusin ang mga taong nandirito. Mga Kilalang negosyante sa loob at labas ng bansa, mga katulad rin nina Mika na mga susunod na henerasyon ng business world.
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
ФанфикшнSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016
