KIM's POV
"Sigurado ka bang uuwi ka sa Bacolod ate?" Simula kagabi yan na ang paulit-ulit na tanong ni Amyra.
"Oo nga. Isang linggo lang naman. Gusto mong sumama?"
Umiling siya. "angdaming ginagawa sa Performing Arts e. Busy pa ako. Saka bakit ka uuwi? Kagagaling lang nina mama dito. Hurt hurt ka pa no?
Minsan nakakapagod din talagang makipag-argue sa kapatid kasi hindi ka talaga mananalo e lalo kapag alam na alam niya ang likaw ng bituka mo.
"Parang ganito lang yong mga napapanood ko sa tv e. Masasaktan. Aalis. Magmomove on kunwari tapos susundan si girl. Makikipagbalikan. Shit! Ate! Baka aalis ka din ha? Susundan mo si Cienne?"
Binato ko siya ng unan. "Imahinasyon mo uy! Hindi ko iiwan ang team para lang sa love."
Niyakap niya yung unan saka naupo paharap sa akin. "LANG? as in LANG? Hindi mo gagayahin si ate Mika? Tingnan mo oh hindi sila mapaghiwalay ni Ate Ara. That is love."
"Magkakaiba kasi yan. Basta bata ka pa hindi mo maintindihan."
"Tamad ka kasing magpaliwanag."Simangot niya. "Pwdeng pwede mo namang sundan si ate Cienne. US pa yun. Open sa girl to girl. Gets mo? Freedom!"
Alam na alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Pero napag-isip-isip ko din na siguro sinadya ng tadhana na paghiwalayin kami ni Cienne para mabigyan ko ng atensyon ang ibang bagay. Ibubuhos ko muna sa school at team ang oras ko.
"Uy natahimik. Nagtatatlong isip na siya. Sige na ate sumunod ka na."
"Tulungan mo na lang ako dito para may pakinabang ka."
Bawat item na nilalagay niya sa maleta lagi niyang kinokonek kay Cienne.
"Yung totoo ate? Diba mga couple items niyo to? Earphone tapos itong mp3. Anong gagawin mo sa mga to? ibabaon mo sa farm? Para tumubo ulit ang pagmamahalan niyo?"
"Masyado ka bang nagbababad sa facebook? Angdami-dami mong alam. Huwag mo nang bigyan ng meaning."
Hindi porke sinaktan ako ni Cienne ay itatapon ko na ang mga to. Sayang naman kasi ang mga to kung hindi gagamitin.
Empake.Empake.Empake.
"Tapos na oh. Gusto mo ihatid na kita sa airpot? Angdrama mo sabay pa talaga sa flight nina Ciene. Ano yon te? Gusto mo ivideo pa natin? Tas post sa fb. Viral video! Hiwalayan ng mga volleybabes!"
"Tigilan mo nga ako. Malapit na akong mapikon."
"Nye nye nye. Lalayo. Tatakas. Pero magmomoment."
"Teka nga. Bakit ka ba nandito? Himala yata na hindi mo kinukulit si Vio ngayon?"
Hayan nanahimik.
"Siguro napikon na yon sayo no? Baka nagpareassign na yon sa iba. Ikaw kasi."
"Hindi naman. Ewan sa kanya. Sabi niya busy e. de busy."
"Hoy. Pinapaalala ko sayo ha? nangako ka kay Papang na hindi ka gagaya sa akin. Baka nakakalimutan mo."
Napabuntong hininga siya. "E hindi naman e. Hay. Labas tayo ate. Libre mo ako."
Ano pa nga ba? Naglambing ang bunso e. Kami na lang daw magsuot nung huling couple item na b inili ko. Pumipili siya kung alin ang isusuot niya. Kung yung blue or green.
"Bilis na. para makaalis na tayo."
"May mas maganda akong idea."
Nagdial siya sa phone niya. Pipili na muna ako ng sapatos na gagamitin ko. ang-arte-arte nitong si Amyra kahit kailan.

BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanficSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016