immaturities of being inlove

3.3K 112 10
                                    

Cienne’s pov

Nandito na sina Mika at Ara. Hayun at busy na rin sa ibang bisita ang dalawa. Pati nga si Kim hindi rin makawalasa mga business partners ng tito niya. hay. Mga pamangkin lang talaga kami pero maraming nakaatang naresponsibilidad.

“sooner than later malalaman din nila. hindi ko alam kung paano ipapaliwanag.”napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Carol sa may living room.

Sino kaya ang kausap niya. Lumapit pa akong kaunti para mas maliwanag ang maririnig ko.

Hindi mo naman kailangang magpaliwanag.” Si tito Brandon yon ah!

“Kayo po ang bahala tito. By the way Denise is such a nice lady. Masyado lang pinapagod ang sarili niya nowadays. Hindi nga malayong magkagusto ako doon.”

Natutop ko ang bibig ko. Malanding carol to! Kokomprontahin ko sana siya pero naisip ko baka magalit sa akin si tito dahil nakikinig ako sa usapan nila. naiinis akong bumalik sa table namin.

“Kambal nakita mo si Carol?”

“Kausap si tito.”

Nakakabadvibes!

“Yam, sorry…”naupo sa tabi ko si Kim.”Gusto ko na yatang bumalik sa Bacolod. Magtatanim na lang ako ng mga bulaklak.”

“De bumalik ka. Isama mo si Mela!”

Kumunot ang noo niya.”Problema mo? Hindi ka na mabiro.”

“Ewan ko sayo.”

“tss. Pagod na nga tapos ganyan pa isasalubong mo sa akin. geh dun na lang ako kena tito ulit.”

Umalis na nga siya. Hindi ko nga pinigilan. Bahala siya sa buhay niya. Nakakapang-init ng ulo!

“Grabe Cienne. Malala ka na.”may bahid na pangangaral ang pagsaway sa akin ni Camille.”Konting awat sa pagseselos.”

Naku kambal! Kung alam mo lang ang pinaggagawa ng girlfriend mo baka mas malala pa sa akin ang gagawin mo.

Speaking of the devil. Magkasama sila ni tito na papalapit sa amin.  Naupo siya sa tabi ni Camille. “Sensya na. Hindi ka pa pagod Pako? Gusto mo nang umuwi?”

Tumango naman si Camille.

“Sige na Carol. Iuwi mo na siya.”dagadag ni tito.”Magpahatid na kayo since pagod ka na rin.”

Inalalayan siya ni Carol na tumayo. Kumukulo ang dugo ko. ano kayang tumatakbo sa isip ng babaeng to? tapos si tito parang walang pakialam. Hindi ba siya nagalit na baka magkagusto sa iba si Carol?

Baka yun ang gusto niya? baka gusto rin niyang ilayo si Carol kay Camille? Paano kapag ganun din pala ang gusto niyang mangyari sa amin ni Kim? What if excuse lang niya yung shop para mas magkalapit sina Kim at Mela ulit?

“Bakit?”seryosong tingin ni tito sa akin.”bakit hindi mo kasama si Kim?””

“Tinamaan ng pagseselos tito. Hayun si Kim oh.”nguso ni Camille.

“I see. Okay.”

See? Wala siyang reaksyon! Mas tumitindi tuloy ang hinala ko na kunware lang ang pagiging supportive ni tito sa amin. What if tulad din siya ng papa ni Mika? what if palabas lang niya ang mga pagbibigay niya ng moral support sa amin?

Natigil lang ang paglelecture ko sa sarili ko nang may umakbay sa akin.

“Let’s go.”

Bumaba ang kamay ni Kim hanggang sa hinigit na niya ako sa kaliwang kamay.

UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon