Special Chapter 2 - na naman!

25.5K 381 58
                                    

Para sa makulit na OP, hindi kita mapagbibigyan ng mala FIFTY SHADES of GRAY na BS….pero welcome na welcome ang BS mo…kung ikaw ang gagawa :P

NOTE: Corny to!!!! Mali, sobrang corny pala! Ewwwwwww!!!!

*********************************************

“Ayat ku, gising na please.” Sabay yakap rito. Alam niyang puyat na puyat ito kagabi. Pinuyat niya. He’s the man! Siyempre dahil honeymoon nila. Ang pinakahihintay niyang mangyari ay nangyari na. Sa bagong pinatayong bahay lamang sila dumiretcho pagkatapos ng kasal. Ayaw naman ni Mrs. Acquino na pumunta sila kung saan. Siyempre, kung ano ang gusto ni misis, masusunod.

“Ayat ku, gising na please.” Lambing niya. Ipinagluto niya kasi ito ng agahan, hindi na muna niya pinapunta si Manang sa bago nilang bahay, mahirap ng may istorbo. Tototohanin niya talaga ang paggawa ng sampung Acquino sa bahay na ito.

Gumalaw lang ng konti si Gabrielle. Ang ganda talaga ng asawa niya. Humigpit ang yakap niya rito. Gusto niya mang hindi ito gisingin ay hindi pupuwede, alas onse nan g tanghali at hindi pa ito nakakapag-agahan. Ipinagluto na niya ito ng itlog. Perfect sunny side up and scrambled with matching presentation pa. Sinamahan na niya ng kape.

“Ayat ku.” Sabay halik sa buhok nito. Ang bango, nakaka turn on. “Gising na, Mrs. Acquino.” Ulit niya. Napapangiti siya kapag tinatawag itong Mrs. Acquino, ang laki kaya ng hirap niya bago ito naging officially misis niya. Sulit naman.

Umiba lamang ng puwesto ng higa si Gabrielle. Humarap sa kanya, gumanti ng yakap. “Oh my Misis ko! Gising na at ako ang nagigising sa iyo.” Hinalikan niya ito sa noo, sa pisngi, sa ilong, sa mga labi sana ang susunod kaso biglang nagmulat ito ng mga mata.

“Antok pa ako, ayat ku.” Nawala sa puwesto ang kumot na nakabalot rito kaya nahantad ang katawan ng asawa, yumakap pa ito sa kanya.

“Antok ka pa ba talaga, ayat ku? Gusto mong gisingin kita? May alam akong pampagising.”

“Hmmmm. Ano?”

“Gagawa ng sampu.” Sabay halik rito. Mamaya na ang pagkain, iba na muna ang kakainin nila.

***************************

“O?” Kanina pa siya tinititigan ni Ruel, sa bawat subo yata niya napapangiti ito.

“Masarap ba ako? I mean ang kinakain mo, ayat ku?”

Namula si Gabrielle, ang dami talagang alam na kalokohan nitong asawa niya. “Oo na, masarap ka na, I mean ang kinakain ko.”

“Yun oh! Isa pa mamaya?”

“Heh! Napagod ako ayat ku. Saka inaantok ako.”

“Eh di matulog tayo ulit.” Sabay ngiti.

“Acquino.”

“Ayat ku naman. Mrs. Acquino ka na kaya. Huwag mo na akong tinatawag na Acquino.”

“Nagrereklamo ka na ngayon? Dahil asawa mo na ako, may ganyan na ha, Acquino?”

Napakamot na lang ng ulo si Ruel. Malumanay itong nagsalita. “Hindi naman ako nagrereklamo, ayat ku, kung pwede lang naman. Sige, kung gusto mo ng Acquino, walang problema, baka kasi honeymoon pa lang natin may LQ na tayo, saklap naman nun, tapos sa labas ako ng kuwarto matutulog, pagkatapos walang kiss, walang hug, walang sexy time.”

Ngumiti si Gab. “Talagang naiisip mo yan ha.”

“Ganyan talaga mag-iisip ang negosyante, advance. Ayat ku, love you.”

“Ang cute mong mag-isip.” Natatawa siya sa asawa.

“Hindi dapat yan ang isasagot mo sa akin.” Sumimangot na si Ruel.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon