30
Ito na yata ang pinakamalungkot na balitang sinabi ni Filemon sa kanya. Ang sabi nito ay nahuli lamang siya ng tatlong oras. Nakaalis na si Gabrielle, pumunta itong Parang, Maguindanao, dun na raw ito habang-buhay. Bakit? Talagang pinili niya ang Maguindanao kesa makita siya? Alam ba nito kung gaano ka delikado ang lugar na iyon? Nag-iisip ba si Gabrielle?
“Alam mo ba ang address niya, Pare?”
“Pasensiya ka na, Ruel. Ayaw ibigay ni Delamerced, alam mo naman yun, parang tigre kung magalit.”
“Hindi ko naman sasabihing sa iyo nanggaling, pare. Nakikiusap ako, kailangan naming mag-usap na dalawa.” He can’t believe that he is begging right now just because of Gabrielle, ganun ba kalaki ang epekto nito sa kanya.
“Basta labas ako dito ha, isa pa, galit na galit sa iyo yun. Mabuti nga kanina kasama niya iyong ex-boyfriend niya yata.” Dagdag pa nito, inaabangan ang magiging reaction ni Ruel Acquino.
“Ex-boyfriend!” Napasigaw ito, dahilan kaya may ibang pulis na napatingin sa kanila.
“O-oo, ex-bf, mukhang tagilid ka pare kung hindi ka kikilos, may nakikita pa kasi akong pag-asa sa kanila, saka may hitsura ang lalaki pare, pulis rin. Alam mo naman kaming mga pulis, matinik kami pagdating sa chicks, alam na alam namin ang mga diskarte lalo na sa kapwa naming pulis.” Natatawa siya sa sarili sa mga pinagsasasabi, mukhang lagot siya nit okay Delamerced pagkita nila, pero bahala na, nakikita niya kasing sinsero si Acquino kay Gab.
“Ibigay mo yung address at pupuntahan ko siya dun.” Seryoso na talaga siya, kahit pa hindi pa siya nakakabili ng bullet proof vest, pupuntahan niya at kakausapin si Gab, kahit pa saang lupalop ito ng mundo.
“Sandali.” Kumuha ito ng ballpen at kapirasong papel at isinulat ang address ni Gabrielle. “Pero, payong kaibigan lang, Acquino, ipagpabukas mo na, alanganin ka na sa oras.”
“Salamat.” Tumingin siya sa relo, talagang alanganin na nga ang oras. Wala pa naman siyang alam sa Maguindanao, si Marcus kaya? Ang alam niya kasi, may mga naging kliyente ito sa shop niya na taga Maguindanao, baka makatulong ito sa kanya.
****************
“Talagang susundan mo dun, Pare?” Si Marcus, napasugod kasi si Ruel sa shop nito sa pag-aakalang makakatulong ito sa kanya.
“I don’t have a choice at this time, I wanted to fix everything. I wanted to explain to her, I wanted to tell her how much I love her.” Biglang lumabas iyon sa bibig niya.
“Whoa! Is that Ruel Acquino talking?” Asar ni Alexie sa kanya.
“Aya, hayaan mo na, mukhang tinamaan talaga sa kaibigan mo, kinain lahat ng sinabi niya nung high school.”
“Kayo na talaga ang mag-asawa pati sa asaran. Napipikon na ako.” Reklamo ni Ruel.
“You really love her, kasi napipikon ka na rin, Ruel Acquino is always a sport when it comes to jokes. Congratulations.”
“Tsss! Ano ba, may kilala ka ba sa Parang, Maguindanao, pare? Kahit matutuluyan lamang dun. Seryoso na ako sa kanya, at kapag naging okay kami, pakakasalan ko na Pare.”
BINABASA MO ANG
Ruel's Charm
HumorHe is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pwedeng mahalin. He was mending his broken heart when he met her. Ang epal, tingin sa kanya mahina, na...