27
Para sa iyo...salamat sa pag add sa FB at sa status...na touch ako :)
************************************88
Hindi pa rin makarecover si Ruel kahit na nasa opisina na siya. Ganun kasamang magalit si Gab? Hindi niya alam kung paano ito susuyuin. Ang hirap, nakakabaliw mag-isip. She’s is no ordinary woman. Kakaiba talaga sa kahit anong bagay.
“sir, may bisita po kayo.”
Si Aron Miguel! He looked so haggard and depressed. Mukhang ilang araw na itong walang tulog. Ilang araw na ba simula ng umalis si Candice, speaking of Candice, ano na ba ang balita rito?
“Kumusta? Anong balita?”
“She’s really gone. Ayaw niya na sa akin pare, ni hindi man lang niya ako kinausap bago umalis. Why did she give up on us? Siya naman ang pipiliin ko, di ba?”
“Pare, let her have ample time to think first, baka naman tama ang Kuya Carlos niya, hayaan na muna natin siyang mag-isip, mapag-isa.” Tsk! Ang dali para sa kanyang sabihin iyon. Bakit kaya hindi niya I apply sa sarili niya?
Kinapa niya ngayon ang tunay na nararamdaman, bakit mas apektado siya na magkagalit sila ni Gabrielle kesa sa pag-alis ni Candice? Kung tutuusin, dapat mas matuwa siya, kahit papaano ay may chance sila ni Candice ngayong wala na sila ni Aron Miguel, pero bakit tila hindi iyon ang gusto niya?
“May problema ka ba?” Pansin ni Aron Miguel.
“Si Gab. We broke up.”
“Bakit, naging kayo ba?”
“Magkapatid nga kayo ni Alexie, pareho kayo ng tanong! Siyempre! May makakaligtas ba sa kamandag ko?”
“Ulol! O bakit ang aga naman niya yatang natauhan?”
Napakamot siya ng ulo. Paano niya sasabihin ang rason? “Nahuli niya kasi akong may babae.” Pagsisinungaling niya.
“Ayun! Di ka pa kasi nakontento! So pareho tayong broken hearted nito? Ano, inom tayo?”
Parang may phobia yata siya sa inom, iyon kasi ang dahilan kaya nabisto siya ni Gabrielle. “pass muna , pare.”
“Uy! Malaking himala, Ruel! May sakit ka?”
“Wala naman, kaso mag-iisip ako ng paraan para mapaamo ulit si Gab.”
“Kung mapapaamo mo, nahirapan ka na nga nung una, pinakawalan mo pa.”
“Oo na! Kaibigan talaga kita. Kailangan ko siyang mapaamo. Kanina nga muntik na ako.” Ikinuwento nito ang nangyari. Tawa ng tawa si Aron Miguel, parang nawala yata sandal ang problema niya kay Candice sa kuwento ng kaibigan.
“Anong nakakatawa! Kung nagkataon na totoong baril yun, pare, mawawalan ako ng tsansang anakan si Gab. Sayang naman ang lahi ko nun! Magsasama kami na childless!”
BINABASA MO ANG
Ruel's Charm
HumorHe is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pwedeng mahalin. He was mending his broken heart when he met her. Ang epal, tingin sa kanya mahina, na...