10
Dedicated sayo dahil natouched ako sa pagsali ng kuwentong ito sa mga librong binabasa mo sa wattpad…at dahil jan, nakapag update ako ngayon…
****
“Hindi kami makakapunta Ruel, ikaw na lang ang representative nating tatlo.”
Anak naman ng mga nanay nila! Siya lang mag-isa ang pupunta sa shooting competition? Ano ito planado?Puro babae ang rason ng dalawa, si Marcus dahil kay Alexie, si Aron Miguel dahil kay Candice. PEro mabuti na rin yun, masosolo niya si Gabby niya.
Atat na pumunta siya ng area, ayaw naman kasi ni Gabriella Silang na sunduin siya nito. Nung dumating siya sa shooting range ay nalito siya, wala naman kasi siyang kahilig-hilig sa mga baril, ibang baril ang pinapaputok niya.
Agad naman siyang sinalubong ni Gabby, gusto niyang sumipol sa kaseksihan nito pero shooting nga ang pinuntahan niya di ba? Baka kasi gawin siyang target ni Gabby. “Hello Honey ko.”
Pinandilatan siya ng mata ng dalaga, paano ba naman, ang daming tao, at pawang kakilala pa niya, ano itong Ruel Acquino na ito, mag eeksena?
“Wala ako sa mood Acquino!” She hissed.
“Joke lang nga. Ano bang gagawin ko?” Agad naman siyang niyaya ng dalaga sa lugar kung saan may briefing yata.
“Sa mga tulad mong walang alam. Kailangan mo munang umattend ng lecture.”
“Walang alam talaga, Gab? Marami akong alam, alam mo naman yun di ba?” Kumindat pa siya. Ang ganda –ganda naman kasi ni Gabrielle, yung dating patpatin nung high school, nagtransform na talaga, di na nga niya halos maalala ang mukha nito noon. Ang alam niya lang, isa itong patpating bata na nagpapa cute sa kanya.
“Acquino, may alam ka ba sa baril?” Pagtataray nito.
BINABASA MO ANG
Ruel's Charm
HumorHe is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pwedeng mahalin. He was mending his broken heart when he met her. Ang epal, tingin sa kanya mahina, na...