51

23.8K 354 40
                                    

51

Matatapos ko rin to, ipush pa more!

*****************************

Masakit na masakit ang ulo ni Ruel pagkagising, ang alam niya, marami siyang nainom kagabi, pero hindi niya alam gaano karami. Ni hindi nga niya matandaan paano siya nakauwi.

Pero alam na alam niya ang rason bakit siya uminom.

Si Gabrielle Delamerced. Bumalik na naman sa kanya ang katotohanan na narito na ito sa Pilipinas. Ang masakit pa, para siyang sinampal sa mukha na makita ito kasama si Ginulayan. Isa pa, si Kim pala ay pinsan nito? Napakaliit talaga ng mundo. Nagkataon pang ang pakilala ni Kim sa kanya kagabi kay Gab ay boyfriend nito.

Dapat ba niyang itama ang lahat?

Para saan? Para isipin nito na nakapag moved on na siya? Na nakahanap na siya nang iba pagkatapos siyang iwan ng babae at ipagpalit kay Ginulayan? Kagaguhan.

*******************

Ang saya-saya sa buong presinto nung dumalaw si Gabrielle, kasama niya siyempre si Celerio. Sinalubong siya ng mga dating kasamahan, dati dahil hindi pa naayos ang mga papeles nilang dalawa. Namiss niya ang mga ito. Ang mga barako na kung tutuusin ay ubod ng kulit.

“Gabrielle Delamerced! Ms gumanda kang lalo ah.” Si Filemon. Balita nga niya ay na promote na ito. Isa kasi siya sa mga taong naging dahilan para maging maayos ang lahat. Malaki ang utang na loob niya rito.

“Salamat, hanggang ngayon, mambobola ka pa rin pala.” Nakangiting sabi niya, binigyan niya ito ng pasalubong na chocolates.

“Nagsasabi ako ng totoo, tiyak pag nagkita kayo ni Acquino, tutuloy ang laway niya.” Sabin i Filemon.

Natahimik si Gab. Pati na yata ang buong presinto, open book naman yata ang nagyari sa kanilang dalawa, at nung nanliligaw pa si Ruel sa kanya ay panay ang dalaw nito sa presinto kaya kilala siya ng mga kasamahan.

“Ah sorry, napaka insensitive ko talaga.” Nahihiyang sabi ni Filemon.

“Okay lang. Salamat nga pala ha. Kung hindi dahil sa iyo, sa inyo, hindi mangyayari ito.”

“Wala yun, sino ba naman ang magtutulungan kundi tayo. Nakakalungkot nga lang na dahil sa kagustuhan ni Chief na makabawi sa lahat, nangyari sa kanya yun. Nakakaawa rin naman ang pamilyang naiwan niya.”

Tama si Filemon, malaki man ang kasalanan ni Chief, pero alam niyang kung may pagpipilian lamang ito, hindi ito papasok sa ganoong problema. Alam niyang mas pinili lamang nito ang pamilya. Katulad niya at ni Celerio, mas pinili nila ang mga mahal nila sa buhay. Mas pinili niya ang lalaking mahal niya.

Pero anong nangyari?

Heto siya ngayon, buhay, humihinga, pero namatay naman ang puso niya. ISang malalim na bunting-hininga ang pinakawalan niya. Naramdaman na lamang niyang inakbayan siya ni Celerio. Ito yung taong laging nasa tabi niya sa panahong kailagang-kailangan niya ng karamay.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon