He was in Manila for a week, he volunteered to attend the conference of the young business entrepreneurs. Actually, three days lang yun,he extended it into five. Now, kahit ayaw niya, kailangan niya ng bumalik. Marami na rin kasi siyang naiwang trabaho sa opisina.
Napabuntong hininga siya. He was away for a week, yet he still felt tired. Masyado pa ring mabigat sa pakiramdam. He should be happy actually, masaya na siya ngayon, hindi ba sinabi niya rito na anuman ang makapagpapasaya sa kanya, it will also make him happy?
Bakit parang nalulungkot siya.
He was walking towards the exit of the Davao International Airport when somebody bumped him.
"What the hell!" Tila nagmamadali ang babaeng nakabangga sa kanya, ni hindi man lang ito nagsorry. Does she have good manners?
"Hey! Aren't you going to say sorry?"
Lumingon lang ito sa kanya. Then without emotion, she said sorry. Napanganga siya, paano ba naman, the lady got that looks he always die for. Actually, literally na napatanga siya. Then nung matauhan eh nabwisit dahil ngayon lang nangyri ng may bumangga sa kanya at pagkatapos ay deama lang. Ang bastos ah!
Mainit pa rin ang ulo niya ng makarating sa bahay niya. Sira ang kotse niya, ipinaayos niya sa shop ni Marcus since nagpalya ito nung bisitahin niya ang mga ito sa Kidapawan. At dahil nga sa Kidapawan pa at nasa Davao siya ngayon, kailangan niyang pumunta dun, obviously. And so since kukunin niya yung kotse, magcocommute siya papunta. No choice right!
Dahil pagod at mainit ang ulo, he just decided to sleep and do that task tomorrow.
***
He decided to take a bus papuntang Kidapawan. Pinili niya yung bandang harap since sa Kidapawan lang naman siya bababa. He was choosing which seat when he saw a lady wearing that huge sunglasses and she is damn hot and she's very familiar. Saan niya ba ito nakita?
Maganda at hot na babae, makakaligtas ba namam yan kay Ruel Acquino? Lalo at ng-iisa, walang kasama, obvious ba? nag-iisa nga eh.
Confident na umupo siya sa tabi nito. Mamaya na siya hihirit. Tumingin siya sa babaeng katabi hoping na nakatingin ito sa kanya but to his dismay, wala. Parang di siya nag eexist. Aba, challenge to ah.
Tumikhim siya. Di ba rin ito natitinag sa upuan nito. Wow naman! Nakapikit ito dahil nasilip niya sa napakalaking sunglasses nito. Kaya naman pala.
Nung biglang magpreno ang bus na sinasakyan nila. "Shit!" Napamura ako. Sa sobrang titig ni Ruel sa kanya, napasubsob ito sa babae.
"Naku! Sorry talaga Miss. Di ako nakakapit."
Inalis niya ang sunglasses niya ay tinignan ito ng ubod ng sama. Alam mo yung literal na kakain ng tao. Pero si Ruel, nakanganga pa sa kanya. Parang gago ito sa naiisip niya. Nasabi ko ba na mata niya yung pinakamagandang mata na nakita ko kahit nanlilisik. Dark brown tsinita. Yung kilay na animo ginuhit. Ang ganda ng ilong niya, di katangusan pero bumagay sa mukha niya, then napunta ako sa lips, napalunok ako. Ano kaya ang feeling kapag hinalikan ko to?
"Ano? tapos ka ng titigan ako?" Wow, pati boses ganun ka sexy?
"Oo, ang ganda mo, pwede kitang iuwi?" Wala sa sariling nasabi ni Ruel.
"Eh maniac ka naman pala eh." Biglang tayo nito sabay "PARA!" Tapos binigwasan sa sikmura di Ruel. Sabay baba ng bus.
"Argh!" Nahigit niya yung hininga niya. Ang sakit nun! Bago pa siya makakilos eh wala na ang babae.
Wala pang babaeng gumawa sa kanya nun. Nung mapansin niya na sa Kidapawan na siya ay bumaba na siya. Nangingitngit pa rin ang kalooban niya sa nangyari. Kahit gaano pa siguro kaganda ang babae, kung ganun ka amasona, di.niya papatulan. "Bwisit na babae yun." Nag appreciate lang naman siya ng ganda ah. Pero bakit parang familiar ito sa kanya? Lalo na ang mga mata nito.
***
Narating na niya ang shop ni Marcus, may big bike ito na tinitignan. Di siya isang fan ng paggamit ng motorsiklo, naniniwala siyang malapit ito sa disgrasya.
"Ang gara ng big bike na yan pare ah. Bagong bili?" alam niya kasi na mahilig sa motorsiklo ang kaibigan.
"Hindi ito sa akin, pare. Kay Gabby, naalala mo siya?"
"Gabby? May kaklase ba tayong Gabby ang pangalan?"
"Ulol! ex mo yun, di mo maalala."
"Ex? ko? Wala naman akong ex na lalaki, kahit kailan di ako pumatol sa bakla." Ngingisi ngisi pa ito.
"Wala ka talagang naalala?" Nakatingin ito sa bandang likod nya.
"Wala nga. Sino bang Gabby yan?"
Di ito sumagot. Lumampas ang tingin niya.
"Hi Gab. Kukunin mo na? Pwede na itong sasakyan mo."
"Thanks Marcus."
Familiar voice! Ayaw lumingon ni Ruel pero yung boses na yun parang may magnet.
BINABASA MO ANG
Ruel's Charm
HumorHe is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pwedeng mahalin. He was mending his broken heart when he met her. Ang epal, tingin sa kanya mahina, na...