43
Nakapag update rin, sa totoo lang, hindi ko na alam saan papunta ang story na ito…BTW, dun sa interesado na makipag-usap kay Ruel, add nyo siya sa FB, yung operator nun, Ruel na Ruel lang kaya huwag papadala sa kamandag ng abnormal na yun…wahahahaha..alam ko magbabasa ka nito, wala kang magawa, ako nag ta-type eh…wag mong masyadong binobola ang readers ko at baka maniwala. Mahirap nang iiyak ang mga yan sa huli…wahahahahaha
Ruel Acquino’s FB link: https://www.facebook.com/ruel.acquino
At si Gabrielle DelaMErced: https://www.facebook.com/profile.php?id=100008343198494
*****************************
It’s been two years since they left..I mean two months ( two years sana para mabilis kaso baka sumablay na naman ako, ako na ang mahilig sa two years) Talagang napatunayan ni Ruel na wala na sa bansa sina Gabrielle at Celerio. Naikuyom niya ang mga kamao, hanggang ngayon ay mahirap pa ring tanggapin ang lahat. Mahirap isiping nagawa siyang lokohin ng isang babaeng minahal pa man din niya.
“Sir, may naghahanap po sa inyo? Papapasukin ko po ba?” Tanong ng kanyang bagong secretarya, isang napakaganda at seksing babae. Take note, dalaga at palaban. Alam niyang may halong landi pa ang pagkakasabi nito. Simula kasi ng natauhan siya sa ginawa ni Gabrielle DelaMerced sa kanya, ipinangako niya sa sariling kahit kailan ay hindi na niya seseryosohin ang pakikipagrelasyon sa babae.
“Sino ba siya Mercy?” Kinindatan niya pa ito. Tuloy napahagikhik pa ang babae. Bakit ba ito ang napili niyang kapalit nang naipromote niyang dating secretary? Tuloy minsan, sakit siya sa ulo, sabagay, efficient naman sa trabaho, wala siyang masabi.
“Si Mr. Aron Miguel Almensor po.” Tila kinikilig na ito.
Putek! Ano ang nakain ng kaibigan niya at dumaan pa sa kanyang secretary? Pwede naman itong tumawag o magtext sa kanya. Teka, huwag niyang sabihing gusto nitong pormahan ang kanyang secretary? Dahil ba pareho silang broken hearted sa ngayon.
“Papasukin mo. Huwag ka munang tumanggap ng sinumang bisita.” Utos niya rito.
“Sure Sir R.” Kumekembot pa ang balakang nito nung umalis. Tsk! Mga babae talaga, nahahalata kapag nagpapapansin sa kanya.
“Whoa! Talaga palang nagpalit ka na ng secretary, what happened to the other one? At hindi ba’t pareho tayong lalaki ang gusto para hindi sila nakaka distract sa atin? Anong nagyari at hot babe ang ipinalit mo?”
“He was promoted. Isa pa, bakit naman natin titikisin ang sarili ko kung pwede naman akong makakuha ng isang maganda, sexy at magaling na sekretarya.”
“Saang bagay ba siya magaling, Pare?”
“Sa lahat ng bagay, Pare.” Sakay nito sa kaibigan. “Bakit ka nga pala narito?”
“Ipafollow-up ko yung proposal ko sa iyo. Baka kasi kinalimutan mo na dahil sa kakaisip m okay Gabrielle.” Aron Miguel wanted to check his reaction.
“Why would I think of her? Yung mga babaeng katulad niya, Pare, hindi iniisip dahil nagsasayang ka lamang ng oras.”
BINABASA MO ANG
Ruel's Charm
HumorHe is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pwedeng mahalin. He was mending his broken heart when he met her. Ang epal, tingin sa kanya mahina, na...