8
Ngingiti-ngiti pa si Ruel at pasipol sipol habang pinipirmahan ang mga papeles. Ang ganda naman kasi ng gising niya, napanaginipan niya kasi si Gabby. Ibang klaseng panaginip, rated SPG. Sarap!
Bigla, parang gusto niya itong puntahan sa presinto, naka duty kaya ito? Bakit naman kasi sa dinami-dami ng pwde nitong maging trabaho, pagpupulis pa. Yung mga naging boyfriends ba nito di man lang siya inalis sa ganung trabaho. Tsk! Kung siya ang boyfriend nito, malamang ikukulong na lang niya sa kwarto, actually magkukulong sila sa kuwarto.
Ngumisi siya, ang aga-aga eh napaka green nang utak niya. Actually, pagkatapos ng panaginip niya, puro green na ang naiimagine niya kasama si Gabby. Shit talaga!
Nagrereact na yata ang precious body niya, matagal na kasi siyang tigang!
Yung mga ngising yun ang inabutan nina Aron Miguel at Marcus. “Oi, anong meron at ang aga-aga mong nakangisi jan? Kulang na lang pare tumulo ang laway mo.” Asar ni Marcus.
“G*go! Anong problema ninyong dalawa at napasugod kayo rito sa kaharian ko?”
“Wala, namiss naming ang kaisa-isang single sa atin.”
“Tigilan ninyo ako. Anong akala mo sa sarili mo Aron Miguel?”
“Ako? Nakatali na ang puso ko pare.” Pa OA na sagot nito.
Kesong-keso lang talaga ito simula ng maging girlfriend si Candice, minsan nakakasuka sa kakesohan.
“Busy ako, kaya ano ba ang rason at nandito kayong dalawa?” Pinagpatuloy nito ang pagpirma sa mga papeles na tambak na sa kanyang harapan, ito ang napapala niya sa kakalandi nang ilang araw.
“Whoa! Seryoso ka na niyan sa pagpapayaman mo pare? Wala ka namang tagapagmana.”
“Ulol! Tigilan mo ako Marcus, porke manganganak na yung asawa mo.”
BINABASA MO ANG
Ruel's Charm
HumorHe is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pwedeng mahalin. He was mending his broken heart when he met her. Ang epal, tingin sa kanya mahina, na...