50

23.9K 359 37
                                    

50

“Siya yung pinsan ko na sinasabi kong bagong dating, sa kanya yung bahay at dahil wala siya rito ng ilang buwan, ako na muna yung tumao. Pareho kaming maganda ano?” Natutuwang sabi ni Kim. Walang kaalam-alam sa mga pangyayari.

“And Gab, siya yung pinag-uusapan natin sa FB at twitter, guwapo ba ang boyfriend ko?” Hinawakan pa niya ang binata sa braso.

“Ha? Y-yeah.” Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya. Here in front of her is the man she loves the most, the man whom she would die for, the man whom she shed tears and blood just to keep him safe.

 Yung lalaking naging dahilan kung bakit siya napilitang umalis at kung bakit pinilit niyang bumalik.

“Hey! What’s wrong with the two of you?” Natatawang sabi ni Kim. “Ah, nagkakailangan, mabait ang pinsan kong to, Ruel, in fact, dati siyang pulis and I learned na babalik ulit siya, mahabang kuwento. And this boyfriend of mine, Gab, he’s superb, I’ll tell you.”

Ngumiti ng pilit si Gab. “I-I guess i-it’s getting late, sa susunod na lamang tayo magkuwentuhan.” Kung pwede lang, kung pwede lamang na lamunin na lamang siya ng lupa ngayon.

Still Ruel didn’t answer. Hindi mo mababasa sa mukha niya kung ano ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

“Tama nga naman, babalik na lang si Ruel tomorrow, di ba?” Lambing ni Kim. Sasagot pa sana siya nung biglang lumabas ang isa na namang pamilyar na mukha.

Si Celerio!

“Bakit nasa labas kayo?” Nagulat ito nung makita si Ruel kasama si Kim. Agad na napakapit si Gabrielle kay Celerio, kung hindi niya gagawin, baka matutumba siya.

“This naman Ruel is Celerio, boyfie mo ba siya Gab? Tama ba ako?”

“Ha? Ah, O-oo.” Napilitang sagot ni Gabrielle. Ayaw niyang magmukhang kawawa ng mga oras na iyon. Bahala na kung ano man ang isipin ni Ruel tungkol sa kanya.

“I have to go.” Sa wakas ay may nasabi na si Ruel.

“Sige, Ruel. Kita tayo bukas ha. Goodnight.” Humalik pa si Kim sa pisngi ng binata. Hinatid niya ito sa kotse, ni hindi nilingon ni Ruel sina Gabrielle at Celerio. Nung makasakay ay agad na pinaandar nito ang sasakyan palayo. Ni hindi niya alam kung saan pupunta.

Now what? She’s back! She’s fuckin back with Celerio. Bakit kailangang isampal iyon sa pagmumukha niya kanina? Bakit sa dinami-rami ng magiging pinsan ni Kim, si Gab pa?

“This is bullshit!” Pinaharurot niya ang sasakyan.

Samantala, sinamahan ni Celerio si Gabrielle sa kuwarto nito, inakala ni Kim na boyfriend niya ang binata kaya hindi ito magtataka kung sa iisang kuwarto sila matutulog, na hindi naman.

“Do you think I deserve this, Celerio?” Pinigilan niya ang mga luha pero ayaw paawat. Kanina nung nakita niya si Ruel, gusto niya itong yakapin, gusto niyang magpaliwanag, gusto niyang sabihin ang lahat-lahat. Pero nung ipakilala na ito ni Kim sa kanya, para bang tinamaan siya ng bala sa dibdib. Parang bomba na sumabog ang katotohanan sa pandinig niya.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon