34

29.6K 352 9
                                    

34

Celerio and Gabrielle both looked at Ruel upon hearing him. Tinaasan ito ng kilay ni Gab. Nagtatakang napatingin si Celerio sa kanya.

“Where are you going?” He casually asked, parang boyfriend lamang na naninita ng girlfriend.

Nagtatanong ang mga mata ni Celerio, ano at may lalaking nakapasok sa boarding house ng Tita niya? At kakilala pa ni Gabrielle?

“Sa kampo, bakit?”

“Pwedeng sumama?” Hirit ni Ruel.

“Hindi.” Napatingin si Gabrielle kay Celerio. “Ah, siyangapala, si Ruel Acquino, Ruel, this is Celerio Ginulayan.”

“Ah. I guess pinsan mo si Dexter Ginulayan?”

“Yes.” Seryosong sagot ni Celerio. “Kaano-ano mo si Gabby?”

“Boyfriend niya.” Ang lapad ng ngisi nito.

“Acquino!” Nagbabanta ang mga tingin ni Gabrielle.

“I mean, fiancé niya.” Ulit nito.

“Nagbibiro lang siya, he’s my..”

“Oo na. Manliligaw niya ako. Sama ako, Honey Ko. Wala akong gagawin rito. Pupuwede naman, Pare ano? Ang sabi ni Dexter, mababait raw ang mga tao rito, lalo na ang mga Ginulayan.” Pang-uuto pa niya, ni hindi niya binigyang pansin ang seryosong hitsura ni Celerio.

“Hindi pasyal ang pupuntahan namin, Acquino.”

“Honey Ko naman, body guard mo na lang ako.”

“Isama mo na, Gabby. Okay lang naman na nasa isang tabi siya, hindi ba, Pare.”

“Yup! Salamat. Para naman makita ko ang loob ng kampo. Malay mo at maisipan kong magpulis, para mabantayan na kita, Honey Ko.”

Peste talaga! Nakakairita! Sa isip ni Gab, pero kinikilig siya sa makulit na to.

“Oo na.” Sabay lakad, tumabi sa kanya si Ruel, nakaplaster ang mga ngiti sa mukha.

“Paano mong napapayag si Tita na tumira sa boarding house niya? Ang alam ko ay puro mga babae ang nakatira dun.” Nagtataka pa ring tanong ni Celerio.

“Malakas yata si Dexter sa Tita mo, siya ang nangumbinse.” Bakit ba parang hindi maganda ang pang-amoy niya rito kay Celerio. He was never insecure with someone, lalo na at sa kapwa niya lalaki, kahit pa nga mas matangkad pa ito sa kanya.

“Ganun ba? Why are you here? I mean, ang layo ng Kidapawan sa Parang.”

“I just went to see Gabrielle.” Prangka niyang sagot.

Si Gab yata ang natetension sa topic nitong dalawa. Medyo malayo pa ang lalakarin nilang tatlo.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon