ayan na, nag update na ako ng mga stories ko, tatlo na yang updates na yan ha....pag kayo hindi nag iwan ng vote at comment, wala lang...
*****-------**********
"Chief,sige naman po, tulungan niyo na ako sa gusto ko." Lambing niya sa matanda.
"Hindi pupuwede,Delamerced. Ano ba ang nakain mo at gusto mong magpaassign sa Maguindanao? Yung ibang pulis ayaw dun, ikaw naman parang pusang di mapaanak na namimilit."
"Sige naman po, Chief. Pagbigyan nyo ba po ako." Kulit na naman niya. Alam naman niyang di siya kagagalitan nito sa kakakulit niya.
"Hindi. Kung si Acquino lamang anv problema mo kaya ka nagkakaganyan, sige, hindi na natin patutuntungin rito ang taong yun. Para kang may sira sa ginagawa mo. Lalaki lang yun, ang kailangan ninyong dalawa ay maayos na pag-uusap." Payo ng matanda.
" Wala akong pakialam sa kanya, Chief. Hindi naman siya ang dahilan kaya gusto kong magpadestino sa Maguindanao." Pero umiwas siya ng tingin.
"Matanda na ako para lokohin mo pa, Gabrielle. Hala, magtrabaho ka na. Asikasuhin mo yung reports tungkol dun sa nawawalang bata nung isang araw." She doesn't have choice, ayaw mag cooperate ni Chief. Still she's interested of having a transfer to Maguindanao. Siya na lamang ang gagawa ng paraan, may mga naging kaklase naman siya noon na alam niyang nakaassign na ngayon sa Parang, Maguindanao. Mahanap nga yung kanyang lumang phone directory sa bahay.
Samantala,sinunod ni Ruel ang payo ng dalawang kaibigan na huwag munang pestehin si Gab. Talagang pestehin ang ginamit ng mga ito. Mukha ba siyang peste? Sa guwapo niyang yan, magiging peste siya? Pero sige na, dahil nga wala siyang maisip na paraan para suyuin si Gabrielle Delamerced at susundin na niya ang payo ni Aron Miguel na yun rin daw ang gagawin kay Candice na bibigyan muna ng space ang dalaga.
Pero tatlong araw pa lamang ang nakakalipas, tatlong araw pa lamang na hindi niya ito nakikita ay parang lalagnatin na yata siya. Kahit siya ay hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili. Parang nababaliw na yata siya, kahit kay Candice ay hindi siya ganoon. Does that mean na in-love na siya kay Gab? Mas malala pa ang tama niya kay Gabrielle kaysa kay Candice? Anak talaga ng bulate!
Ano kaya kung puntahan na niya ito sa presinto? Baka bigla siyang barilin nito sa galit sa kanya. Grabe ang takot niya nung huli nilang pagkikita, akala niya ay katapusan na niya nun. Nakakatakot si Gab magalit. Pag naging mag-asawa sila, tiyak hindi siya makakapambabae nito.
Bakit pag-aasawa na ba ang naiisip niya?Dati naman takot siya sa salitang pag-aasawa, bakit ngayon naiisip niya si Gab. Ano kaya ang hitsura nito kapag nabuntis niya? Teka, mas maganda yatang isipin kung ano ang hitsura nito kapag walang damit.
Bigla siyang natawa sa naiisip.
"Nababaliw ka na ba, Ruel? Ipapadala ka na ba namin sa mental?" Si Alexie kasama nito si Marcus. Huling-huli siyang parang baliw na nangingiti.
"Bakit ba naman kasi kayo basta basta na lamang pumapasok, ni hindi man lang kayo kumatok." Reklamo ng binata.
"Kumatok kaya kami.Ang sabihin mo, kung anu-ano na ang naiimagine mo ngayon." Pang-aasar ni Marcus.
"Okay na ba kayo ni Gab?" Tanong ni Alexie.
"Hindi pa nga, patulong naman Alex oh, alang-alang sa kinabukasan ko. Paano pa matutuloy na anakan ko si Gab kung hindi kami magkakaayos."
"Ulol! Kamanyakan na naman ang nasa isip mo, Ruel! Misis ko ang kausap mo." Sabay tapon ng nilamukos na papel sa kaibigan.Tawa lamang ng tawa si Alexie.
"Sige, tignan ko ang magagawa ko. Pero aminin mo muna."
"Anong aaminin ko?"
"Na finally, you are in -love with Gab!" Tila kinikilig pa si Alexie.
Is he in-love with Gab? If in-love siya kay Gab, then what about his feelings towards Candice? Naguluhan tuloy siyang bigla.
"Ano?In-love ka na ano? Kasi kung oo, naku, talagang tutulungan kita with Gab."
"Paano mo ba nalaman na in-love ka kay Marcus noon? E di ba,mas hamak naman na mas guwapo ako sa kanya?" Tila wala sa sarili na tanong nito.
"Gusto mong basagin ko yang pagmumukha mo at nang mawala yang kayabangan mo ha, Ruel?" Tila napipikon na si Marcus.
"Sus! Papatulan mo yan eh broken hearted na nga, babasagin mo pang mukha, mas lalong hindi yan magugustuhan ni Gab."
"Paano mo malalamang in-love ka? Simple Ruel, kapag siya yung gusto mong babaeng makasama habang buhay. Kapag naiimagine mo na si Gab na magiging ina ng mga anak mo, ibig sabihin may tama ka na."
"Sarap namang pakinggan Misis ko, ibig sabihin dati, naiimagine mo talagang aanakan kita." Si Marcus. Biglang hinampas siya ng asawa.
"Manyak pala si Ruel ha. Pareho lang kayo."
Nakangiting pinagmamasdan ni Ruel ang mag-asawa, biglang nakaramdam siya ng inggit. Now he really realized that he's in-love with Gab, more than what he felt with Candice. At ngayon alam na niyang kailangan niyang gawin ang lahat para mapaamo niya ulit si Gabrielle,kahit gaano kahirap, kahit pa siguro kinakailangan niyang magsuot ng bullet proof vest...pati na yung junior niya, kailangan niya na yatang magpa customize ng bullet proof para "duon".
"Then help me, Alex please. Marcus,san ba makakabili ng bullet proof vest?"
***********-
-Xian-
BINABASA MO ANG
Ruel's Charm
HumorHe is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pwedeng mahalin. He was mending his broken heart when he met her. Ang epal, tingin sa kanya mahina, na...