29

30.2K 361 28
                                    

29

Una, nahihirapan akong mag-update dahil mabagal utak ko, di pa na upgrade, pangalawa, busy ako sa kakalaro ng kitchen scramble, pangatlo, hinuhunting ko si Ruel, di nagpapakita, sabi niya bibisitahin niya ako, siomai at kape lang nga katapat. Pang apat, basta busy lang kunwari….ayan, pag nagbabasa kasi kayo nito, iwanan nyo ng 100 words na comment at nang ma pressure ako sa pag update! Wahahaha

***********************************

“Delamerced, pinapatawag ka ni Chief sa office.” Sabi pa ni Filemon.

Ano kaya ang rason? Natapos naman niya ang reports na kailangan niyang tapusin, yun nga lang, mukhang malalim pa at masalimuot ang tatakbuhin nang kasong hinahawakan nila ngayon. Naawa siya dun sa magulang na nawalan ng anak, hindi lamang pala siya, may tatlo pang nagrereklamo.

Agad siyang sumaludo nung pumasok siya ng opisina. “Maupo ka.”

“Kumusta ang nilalakad mo na transfer?” Bungad nito. Napalunok siya, alam pala nito ang mga pinaggagagawa niya sa buhay.

“Wala pa pong balita, Chief.” Hindi na siya makapag deny, huling-huli na siya. Pero totoo naman na wala pa talagang balita.

“O sige na, dahil alam kong hindi ka titigil sa kakalakad mo ng lipat na yan, I will let you handle a case, sa kasong ito, kailangan mo talagang pumunta nang Maguindanao, sa Parang, Maguindanao, naiintindihan mo ba?”

“Po?” napalunok siya, mukhang totohanan na talaga ito ah.

“Ang sabi ko, you will be handling a case of human trafficking, mga kabataan in particular, kadalasan nag ooperate sila sa Maguindanao, pero umabot na rin sila dito sa atin. Pamilyar ka naman duon, di ba?”

“Opo Chief.”

“But you will have a partner, Delamerced, I believe kilala mo si Celerio Ginulayan? Kasabayan mo sa training.”

Sino ba naman ang hindi makakakilala sa taong yun. He was as handsome as the Greek god, sobrang galing pa at sobrang bait. Naging crush niya nga rin ito bukod kay Ruel. Hindi nga lang niya type ang pangalan, kung sila kasi magkakatuluyan, magiging Gabrielle Ginulayan siya. Bigla siyang napangiti sa naisip. Mukhang magiging exciting ang magiging trabaho niya.

“Opo Chief.”

“Nung kinontact nila ako para sa kasong ito, ikaw agad ang naisip ko, Delamerced, una dahil atat na atat kang ma assign sa Maguindanao, pangalawa, alam kong ma so solve moa ng kasong ito, pangatlo, kung gusto mo talagang makalayo at makalimutan si Acquino, ito ang kailangan mo.”

“Chief naman, bakit naman isinali nyo pa ang hinayupak na yun.” Reklamo niya.

“Ako nga huwag mo nang pinagloloko, alam kong apektado  ka ni Acquino. At kapag sumunod ang taong yun sa Maguindanao, Delamerced, patawarin mo na, bigyan mo ng isa pang pagkakataon, kasi ibig sabihin, seryoso siya sa iyo.’

Di siya sumagot, aayaw niyang magcomment. Ibinigay pa ni Chief ang iba pang detalye ng magiging assignment niya, panibagong thrill na naman ito sa buhay, ito yung gusto niya, mga tipo niyang assignment.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon