5 The Visitor

40.8K 470 17
                                    

5

Pesteng Ruel Acquino yun ah! Oo, aaminin niya, talagang nagkagusto siya rito way back high school days. Pero matagal na yun.  Kaya ang charm nito, wala ng talab sa kanya.

Ke lalaking tao eh nahohold up, nakaka turn off, parang hindi kayang pangalagaan ang sarili, sayang na kaguwapuhan, sabagay, puro pacute lang naman yata ang alam. Saka bakit ba hindi ito gaanong tumangkad, si Marcus naman na kaibigan nito sobrang tangkad.

Bakit ba niya ito agad na naisip. Erase!

Samantala, talagang badtrip si Ruel, wala ang kanyang cellphone, so lahat ng contacts niya eh kailangan niyang iparetrieve sa kanyang  secretary, lalo na ang mga ka business transaction niya, kahit man lang sana ibinigay sa kanya ang sim card. Napamura siya, baka magtext ito ng kung anu-ano sa mga contacts niya.

Wag naman sana!

Badtrip na pumunta siya kay Marcus, wala kasi si Aron Miguel, busy kay Candice, isa pa yun sa iniiwasan niya, ang makita ang dalawa. Mahirap mag move on eh.

Bwusit naman kasing pag-ibig yan!

“O, anong nagyari at di maidrawing ang mukha mo?”

“NAhold up ako.”

 

“What! Saan?”

Ikinuwento niya ang nagyari.

Gusto mang tumawa ni Marcus eh di pwde, mukhang badtrip talaga si Ruel.  

“Mahirap ng marecover yun, pare, wala talagang choice, bumuli ka na lang ng bago.”

“Ano pa nga ba. Hindi ko naman akalain na mamalasin ako sa lugar na yun.  Tapos si Gabriella Silang pa talaga ang nasa presinto.”

“Nag-away na naman kayo?”

 “Nakakainsulto naman kasi ang babaeng yun, pare, porke ba lalaki ako wala ng karapatang mahold up?”

“Hayaan mo na pare, ang importante di ka sinaktan, buo pa rin ang kapogihan mo.”

“Yun nga lang ang pakonsuwelo ko, pero si Gabriella Silang pare, ang hot talaga, grabe metamorphosis pare, yung pinaka highest level talaga. Kahit naka uniporme, seksi pa rin, yung katawan, panalo. ANg tangkad pa pare, ang kinis, saka ang mata. Ganda talaga, pare.” Tila nangangarap pa ito ng sabihin yun.

“Tinamaan ka?”

“Ng?”

“Pana ni kupido?”

“Langya! Wala, nachachallenge lang pare, di ako pinapansin. Kanina, parang wala lang sa kanya ang gwapong mukhang to. Para namang hindi siya naghabol nung high school tayo.”

“Iba na noon at iba na ngayon Ruel.”

“Pareho lang yan, yung mukha at katawan niya lang ang nag-iba. Makikita mo, bibigay din sa akin ang tigreng Gabrielle na yun.”

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon