14
Biglang nag-ingay ang cellphone ni Gab. Galing na naman kay Acquino, nakailang text na ba ito sa kanya ngayon araw? Kung anu-anong messages ang pinapadala. Walang kasawa-sawa kahit na wala siyang reply sa isa man sa mga messages nito.
Tinignan niya ang orasan, malapit na pala ang lunch break. Gutom na siya. Biglang tumawag si Filemon Jr.
“Dela Merced, may delivery para sayo.”
“Delivery? Wala akong ipinapadeliver, Filemon. Baka nagkakamali lang yan.” Sigaw niya.
Wala siyang narinig na sagot. Maya-maya lang ay lumapit na ang delivery boy. Nasa harap na niya. “Ma’am, kayo po ba si Ms. Gabrielle DelaMerced?
“Wala akong ipinapadeliver.” Masungit niyang sagot.
“Ma’am, ipinapadeliver lang po ni Mr. Ruel Acquino.”
ISang malaking plastic bag ng pagkain. “Ma’am, pakipiramahan na lang po, pasensiya na po, Ma’am, taga deliver lang po ako.”
Naawa naman siya sa delivery boy kaya pumirma na lang siya. Inilagay nito ang pagkain sa mesa niya. Ang dami naman nito. Maya-maya pa ay tumawag na si Ruel.
“Ano na namang gimik to, Acquino?”
“Wala man lang, hello jan, Gab?” Grabe naman tong babaeng to.
BINABASA MO ANG
Ruel's Charm
HumorHe is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pwedeng mahalin. He was mending his broken heart when he met her. Ang epal, tingin sa kanya mahina, na...