48

23.3K 297 20
                                    

48

Hindi alam ni Kim why she’s affected of Carlos’ grumpy attitude, tuloy, hindi na niya hinayaan na maihatid siya ni Ruel, pero nung dumating siya sa bahay na tinitirhan niya, naisip niyang sana ay mas inasar niya ito by letting Ruel accompany her on her way home. Sayang.

But she likes Ruel, napakafriendly nito, sa lahat naman yata. Hindi niya itinuturing na iba ang mga empleyado niya, mas close sila sa binata, unlike Carlos. Katulad ngayon, sumabay sa kanila si Ruel sa meryenda, nakakatuwa itong kausap, kahit pa nga mahahalata mong napaka bolero. Lately mas naging close sila, ang gaan kasi niton kasama, napapangiti kang madalas.

“Mapunta naman tayo kay Kim, wala ka bang iniwan sa pinaggalingan mo? Baka may umiiyak na dun ha.” Pagbibiro nito. May isang oras pa silang hihintayin bago buksan ang bar. Napapaaga na madalas si Kim, and take note, hindi na siya humuhingi ng additional pay, hindi dahil sa pinagbibigyan niya si grumpy Carlos, but she finds it good to be early at work. Mas marami ka nga naming nagagawa, besides, wala naman siyang ginagawa sa bahay.

“Unfortunately, a lot! But I told them not to wait for me anymore. Dito kasi ako maghahanap ng aking one and only love sa Pinas.”

“Whoa!” Sabi ni Lowai. “Baka naman pwede akong mag-apply?” Pagbibiro nito.

“Lowai, hindi tayo talo, ngayon pa lang, sinasabi ko na, don’t you dare, mag-uumpisa ka pa lang, basted na.” Nagsitawanan ang lahat.

“What if si Sir Ruel ang manliligaw sa iyo, may pag-asa ba?” Tanong ng isa nilang cook.

“Aba, ibang usapan na iyon.” Sinabayan niya ng tawa. Nakakaya naman niyang sumakay sa mga biro ng kasamahan, pati na sa mga pakuwela ni Ruel.

“Talagang ibang usapan na.” Enter the grumpy Carlos. Nagsitayuan at nagsibalikan na sa puwesto ang mga katrabaho ni Kim. Takot ang mga ito kay Carlos.

“Pare, don’t worry, kahit maging girlfriend ko si Kim, I’ll assure you, hindi maapektuhan ang trabaho niya, she might be more inspired because of me. Tama ba, lovely Kim?” Ruel winked at her, para bang sinasabing sumakay ka lang sa palabas ko at inisin nating lalo si Carlos.

“Yeah, I guess so.” She smiled at Ruel.

Mas lalong nairita si Carlos. “Work ethics, Ruel.” Paalala nito.

“Of course, Carlos. Hindi naman kami papa obvious, pwera na lang kung si Kim ang mag p-PDA.”

“So kayo na?” Seryosong tanong nito. Knowing Ruel, kahit isang oras siguro, kaya nitong mapasagot ang isang babae.

“Lovely Kim, tayo na ba?” Baling nito sa dalaga.

“Yep. Sinasagot na kita ngayon. So tayo na starting today.”

“Wow! Nice! Great! Awesome! Thanks to you, Carlos! You’re such an angel!” Instead  na si Kim ang yakapin nito ay si Carlos ang niyakap ni Ruel. Nakaharap siya kay Kim at nag thumbs up.

“Congrats. Be sure na hindi maapektuhan ang trabaho.” Then he walked away.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon