57

19.9K 408 23
                                    

57

He was in the middle of a business meeting when his phone rang. Gab is calling. Never in their entire relationship that he ignored any single call from her, even if he’s in the middle of his meeting, and he always announce that to all his business partners.

“Excuse me, gentleman, my girlfriend is calling.” He politely excused himself, sanay na ang mga ito sa kanya. Napakamot na lang ng ulo si Aron Miguel. Halatang-halata na in-love ang kaibigan.

“Yes, ayat ku?” Ang lapad pa ng ngiti nito. Ang sarap lang tapunan ng ballpen, ni hindi nahiya sa kanila. Napailing na lang si Aron Miguel.

“What! Saan? Okay, I’ll be there. Don’t leave her, Pare.” Tumingin ito sa mga kasama. “Gab is at the hospital. Nabaril. I have to go.” Dali-dali itong umalis.

Naabutan niyang nasa labas ng emergency room si Filemon. Hindi ito mapakali. “Anong nangyari, Pare?”

“Tinamaan si Gab, Pare. Fatal, nasa operating room na. Biglang sumugod ang kalaban, hindi nama naming akalaing nakasunod pala sa amin si Gabrielle, kilala mo naman ang girlfriend mo, hindi ba? Masyadong atat, matigas ang ulo.”

“God! Help her!” Hindi niya kayang mawala ang babaeng mahal niya. Ikamamatay niya rin iyon. Nung lumabas ang doctor at sinabing kinakailangan ni Gab ng dugo at alam niyang pareho sila ng type ay agad siyang nagprisinta. 

******************************

Ligtas na si Gab, nailipat na rin ito sa isang private room. Tinawagan na ni Ruel ang mga magulang nito at kapatid, matagal na siyang may contact sa mga mahal sa buhay ng dalaga at may pinaplano sila, mukhang mapapaaga nga lang.

Pinagmasdan niya ito. Nasa kabilang kama siya, abot ang dalaga. Sinadya niyang iurong ang hospital bed para halos magkatabi sila.

Ilang beses na ba niyang kinumbinse na tumigil sa pagpupulis at magpapakasal na sila,pero ayaw. He even convinced her to manage a business, yung hilig nito pero wala pa rin. Hilig raw niya at gusto niyang gawin ang pagpupulis, dun raw siya masaya kaya hinayaan na niya. Pero kung ganito na manganganib ang buhay ni Gab, hindi na pupuwede.

Nanghihina pa siya sa pagkuha ng dugo kanina pero gusto niyang mukha niya at boses niya ang una nitong makikita at maririnig pagkagising nito kaya pinipilit niyang huwag pumikit ang mga mata, pero hindi niya kinaya. Inabot niya ang kamay nito pagkatapos ay pumikit.

********************

Mukha ni Ruel ang una niyang nakita nung nagising. Medyo naguluhan pa siya kung bakit siya nandun, ang huling naalala niya, may huhulihin silang kilalang drug lord. Tinangka niyang gumalaw pero sumakit ang balikat at dibdib niya.

“Shit!” Napamura siya sa sakit na ikinagiging naman ni Ruel.

“Gab? Saglit, tatawagin ko ang doctor.”

“Ayat ku.” Tawag ni Gab sa kanya, napahinto sa paghakbang si Ruel. Bihirang tinatawag siya ni Gab sa ganoong tono. Napalingon siya.

“I love you.”

Napangiting bumalik si Ruel sa kanya. “I love you too, ayat ku. You just don’t know how worried I am until now.” Hinalikan niya ito sa noo. Tamang-tama naman na bumukas ang pinto at pumasok ang doctor.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon