31
“Nananaginip ba ako?” Tanong niyang muli, wala sa sariling hinawakan si Gabrielle sa braso na noon ay tanging tuwalya lamang ang nakabalot sa katawan. Sa gulat niya ay talagang nasuntok niya si Ruel sa sikmura.
Saglit na parang nakakita ng mga bituin si Ruel sa langit. “Langya naman, Gab! Yan pa ang isasalubong mo sa akin.” Hawak nito ang nasaktang bahagi nang katawan.
“Anong ginagawa mo rito?” Galit na tanong nito sa kanya.
“May hinahanap akong tao.” Napatingin ito sa kanya. “Gab, can you please change first, nawawala yung mga iniisip ko ng dahil sa ayos mo.” Seryoso nitong sabi sa kanya. Masakit pa rin ang sikmura ni Ruel na tinamaan ng suntok ni Gabrielle, talagang ang lakas lang ng babaeng ito.
Padabog na pumasok sa loob ng kuwarto niya si Gabrielle. Paanong nasundan siya ni Ruel rito? At bakit sa iisang bahay sila? Ang alam niya, hindi tumatanggap ng lalaking boarder ang land lady niya. Bakit nandirito ang lalaking iyon. Inis na nagbihis siya. Magtutuos sila pag natapos siya rito.
Napangiti si Ruel, sulit na sulit talaga ang pagpunta niya rito sa Parang, Maguindanao, at talagang kakampi niya yata ang pagkakataon dahil sa iisang bubong lamang pala sila nakatira ni Gabrielle, tignan mo nga naman. Hindi talaga niya akalain. Kapag talaga totoo ang iyong intensiyon, maawa sa iyo ang Diyos. Sana magkaayos na sila, at kung hindi man ngayong gabi, sisiguraduhin niyang bago siya uuwi ng Kidapawan ay okay na sila ni Gabrielle.
Nakapamulsa si Ruel sa labas ng pinto ng kuwarto ni Gabrielle. Seryoso itong naghihintay sa kanya. Hindi pa sila nakapag-usap ng maayos. Gusto niyang ipaliwanag sa dalaga ang lahat. Gusto niyang sabihing mahal niya ito.
“Ano ba talaga ang problema mo ha, Acquino?” Pabulong pero madiin ang pagkakasabi ni Gab, ayaw niyang makaistorbo sila sa ibang boarders , although ang mga kuwarto nila ni Ruel ang nahiwalay sa lahat ng mga kuwarto kaya malamang ay hindi rin sila maririnig ng mga ito kung sakali.
“Ikaw, ikaw ang problema ko, Gab. I wanted to talk to you, I wanted to explain. Kausapin mo naman ako oh.”
“Ano pa pala ang ginagawa mo ngayon?” Mataray nitong sabi sa kanya.
“I mean, can you please listen to my explanation?”
“Sige, you got five minutes to explain, Acquino, after that, I want you to be out of my life, intiendes?”
“Gab naman.”
“Timer starts now.” Tumingin ito sa wrist watch niya.
Ruel gave a deep sigh.
“I love you.”
Shit! Sigaw ng utak niya. Ano ba itong pinagsasasabi ni Ruel? Bakit yun ang umpisa. Pero tinignan niya lamang ito, hindi nagpahalatang affected sa una nitong sinabi.
“A-akala ko dati si Candice ang mahal ko, or let me rephrase that, I thought I love her. Siguro dahil siya lamang yung babaeng close sa akin bukod kay Alexie pero hindi ako napansin. Siya yung babaeng nung una ay gusto kong bigyan ng atensiyon pero sa iba napunta ang atensiyon niya. Siguro dahil akala ko lahat ng babaeng lalandiin ko ay makukuha ko.”
BINABASA MO ANG
Ruel's Charm
HumorHe is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pwedeng mahalin. He was mending his broken heart when he met her. Ang epal, tingin sa kanya mahina, na...