15

34.9K 385 12
                                    

15

Kanina pa naiinis si Gabrielle sa sarili! Andun na sana siya sa moment na babastedin na niya si Ruel, actually, binasted na niya, di ba? Bakit parang nabago ang takbo ng story?  Ang kulit talaga nito! Nakakagigil na nakakabwisit, pagkatapos nag iwan pa ng halik…sa ilong niya. Mamamatay siya sa kunsimisyon sa lalaking yun.

Bakit nga ba niya ito babastedin? Simple lang naman ang rason.

Ayaw niyang masaktan.

Nasaktan na siya dati.

Ayaw niya ng maulit muli.

Bitter lang?

Naging sila ba? Hindi naman ah.

Kaya nga naiinis siya sa sarili niya, bakit parang hindi naman siya ganun ka determinado na mawala ito sa paningin niya? Dahil ba may gusto na rin siya ULIT rito?

“Wag kang tanga, Gabrielle!”

Tuloy puyat na naman siya ng gabing yun.

****

Dahil walang duty ay naisipan niyang mag jogging ng araw na yun, malapit lang naman ang plaza na pwde niyang ikutin. She just wore her jogging pants, sneakers and a loose t-shirt. Nakakaisang round na siya at pinagpapawisan na. Marami-rami talagang teen agers ang nakakasabay niya kapag ganitong week end.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon