20

32.1K 371 15
                                    

20

“Acquino, ayokong didiktahan mo ako ha, lalo na sa trabaho ko. You know how much I love my job,kaya sana magkaintindihan tayo na ito ang gusto kong gawin.”

“Oo naman.” Seryoso siya sa sagot niyang yun, kahit naman siguro ayaw niya sa trabaho ni Gab pero nakikita niyang masaya ito sa ginagawa niya, hindi siya magiging hadlang. Isa pa, nakakasama naman niya ang mga katrabaho nito, kahit puro mga lalaki, alam niyang hinding-hindi magkakagusto si Gabrielle sa mga ito, ilang paligo kaya ang lamang niya sa mga yun. Suwerte nga ni Gab, napunta sa kanya ang buong atensiyon niya, wala na kay Yasmine, kay Kat, kay Bianca, at kung sinu-sino pa.

“Gab, Ruel please, not Acquino.”

“Sorry, Ruel.”

“Thanks Honey Ko.”

“Bakit ba ang honey mo may nakakabit na KO?”

“Eh sa akin ka talaga.” Di apektadong sagot nito sa tanong niya. Di pa nga siya nito sinasagot officially pero alam naman niya na unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Gabrielle sa kanya. Okay na iyon, sana nga lang ay makalimutan na niya si Candice dahil kay Gab.

Tinatanong niya ang sarili, ginagawa niya lamang bang panakip-butas si Gabrielle? Parang oo na hindi ang sagot, oo dahil gusto na niyang makalimutan si Candice, hindi dahil gusto naman talaga niya si Gabrielle. Iba naman kasi ang gusto sa mahal. Mahal niya si Candice pero gusto niya si Gabrielle. Pupuwede sila ni Gabrielle pero hindi sila pupuwede ni Candice. Napabuntung-hininga siya. Hind naman siya ganun kasama,dahil sa ginagawa niya, hindi ba?

“Ruel?” Tanong ni Gab na nagpabalik kay Ruel sa realidad.

“Ha?”

Nagtaka si Gabrielle, hindi nakikinig ang kausap niya? “May problema ka ba?” Nag-aalalang tanong niya.

“Wala naman, may bigla lamang pumasok sa isip ko. Ano ulit yun Honey KO?” Lambing ulit niya rito.

“Ang sabi ko, huwag mo akong sunduin mamaya, may lakad kami ng tropa.”

Napasimangot si Ruel. Delikado ang trabaho ni Gabrielle, andun na siya, pero, puwede bang huwag na itong sumama sa mga lakad-lakad na yan? “Saan baa ng punta ninyo?” Seryoso niyang tanong.

“May aarestuhin lang, don’t worry, marami kami. Kailangan lamang kasi ng undercover na babae.” Ayan na naman siya, naalala niya dati na nagpanggap itong dancer sa club, napaka seksi ng suot. Mukhang nabasa ni Gab ang iniisip niya.

“Don’t worry, magpapanggap lamang ako na babaeng nagtitinda ng balut kaya huwag ka ng mag-alala. Itetext na lamang kita o tatawagan kapag nakauwi na ako.”

“O sige na, ayaw kong umepal. Pupunta na lamang ako kina Marcus mamaya, birthday kasi ni Alexie, akala ko pa naman maisasama kita, nangako pa naman ako na ipapakilala kita kay Candice.” Wala sa sariling sabi niya.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon