26

30.8K 383 25
                                    

Mabait ako ha! kaya mag-iwan naman kayo ng comment para mainspire ako, nakaka daming updates na ako kay Ruel Pogi..wahahahaha

*****************

26

Direcho sa comfort room si Gabrielle.  Dun niya ibinuhos ang lahat ng sama ng loob niya. Hinayaan naman siya ng mga kasamahan. Bakit nagawa ni Ruel iyon sa kanya? At kanina, inamin niya na mahal niya ang babaeng iyon sa harap pa man din niya! Kaya pala, now she understands why Ruel couldn’t say I love you to her, simply because she’s in –love with somebody else. How could she not know it? Ganun siya ka tanga!

“Damn you, Acquino! You don’t deserve any tear I shed.” Pinahid niya ang mga luha at saka inayos ang sarili. Parang wala lang na lumabas siya. Tinignan lamang siya ng mga kasamahan, alam niyang gusto ng mga ito na magtanong pero hindi nila magawa. Si Filemon lang yata ang nagkalakas ng loob na mang-asar sa kanya.

“Ayaw ko sanang awatin ka kanina, kaso baka umuwi ng lumpo ang lover boy mo.” Asar nito sa kanya.

Pinandilatan niya ito ng mga mata. “Wala ako sa mood, Filemon, pag ako di mo tinantanan, ikaw ang gugulpihin ko.” Banta niya.

“O, tumigil na kayong dalawa jan.” Si Chief.

“Sorry Sir. Pinapatawa ko lang si Delamerced.”

“Pwes, hindi ako natatawa. Kapag si Acquino bumalik, pakibaril, sagot ko.” Pagkatapos ay agad siyang pumunta sa puwesto niya. Kakamot-kamot lang ng ulo si Filemon. Ang hirap talagang galitin ang babaeng pulis, ang hirap ma broken heart.

Samantala, hindi mapakali si Ruel. Paano nalaman ni Gab ang tungkol kay Candice? Malamang kagabi nung pinuntahan siya nito sa bahay niya. Ano ang nasabi niya sa dalaga? Ang gago niya talaga! Pagkatapos kanina ay umamin pa siya sa harap mismo nito at ng mga kasamahan. Nakakatakot naman kasi ito kung magtanong, parang ang hirap magsinungaling.

“Ang gago ko! Ano ngayon ang gagawin ko?” Nalaman niya from Aron Miguel that Candice went to Canada already, for good na raw. Ewan pero parang mas apektado siya na galit sa kanya si Gabrielle ngayon kesa sa pag-alis ni Candice. Mas apektado siya na hindi na sila.

Naramdaman niyang may tumatawag sa kanya, akala niya ay si Gab, si Alexie lang pala.

“Magkasama ba kayo ni Aron Miguel ngayon?” Tanong nito sa kanya.

“Hindi.” Malungkot niyang sabi.

“So, who’s with him if not you? Hindi rin naman si Marcus kasi kasama ko siya.”

“Hindi ko alam, Alex.”

“May problema ba?”

“Si Gab.”

“What’s with Gab?”

“We broke up.”

“O! Naging kayo ba?”

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon