36
Ayan ha! Sila na sa lagay nay an…pwedeng pakibasa ng Inside The Heart of Captain Austria at Crush Back? Kasi yung dalawang stories nay un ang ineenjoy kong iupdate..wahahah…add nyo na rin ako sa FB if you like, add nyo ako sa life nyo? Waley! Wehehehe
******************************
Tulog na si Gabrielle nung bumalik siya ng kuwarto, sinadya niya iyon. Naghikab siya, nawala yata ang lasing niya at napalitan ng antok. Napangiti siya nung maalala ang nangyari kanina. Sila na talaga, akala nito hindi niya matatandaan ha. Dahan-dahang isinara niya ang pinto at tumabi sa dalaga. He hugged her gently and kissed her on her forehead. Akalain mo yun? Kaya niyang magpigil ng ganun? Siya ba talaga si Ruel Acquino o sinapian lamang siya ng masamang espiritu?
Gabrielle was still awake and she heard Ruel entering the room again, she felt him hugging her, she even felt the kiss on her forehead. Gusto niyang ngumiti pero pinigilan niya, mahahalata nitong gising siya. Later she felt his even breathing. Idinilat niya ang mga mata niya, tama siya ng hinala na tulog na ito. Tanging ang liwanag na nanggagaling sa labas ang katulong niya para mapagmasdan ang mukha ng binata.
How handsome this man is. Naalala pa niya nung high school siya, kumpleto na ang araw niya kapag nakikita niya si Ruel. He’s very charming, ang gaan kausap, malakas ang sense of humor, ang ganda ng mga mata, same old Ruel that she knew. Pero aware rin siya na maloko ito pagdating sa babae, ang daming girlfriends. But she saw how sincere he is with her. Nakita niya at nararamdaman niya na totoo ito sa ipinapakita niya. Sana nga lang talaga, sana talagang hindi na ito magbabago pa. Alam kaya nito na sila na? Baka naman bukas, kapag hindi na ito lasing ay makakalimutan na nito ang lahat?
Napapikit siya, pag nakalimutan ni Ruel, malalagot siya bukas. Kinuha yata siya nito sa bilis, pero gusto naman niya ang nagyari. Pumikit siyang may ngiti sa mga labi.
*********************
Nagising si Gabrielle na parang nasa ibang kuwarto siya. Iginala niya ang mga mata sa paligid. Nasa ibang kuwarto nga, now she remembered what had happened last night. Pero nasaan si Ruel. Inaantok na tinignan niya ang relo. Alas otso na ng umaga! Bigla siyang napabangon, lintek na Ruel ito, ni hindi siya ginising na alam naman niyang may daily routine siyang sinusunod. Bago pa siya nakalabas ng pinto ay pumasok na ito. May bitbit na tray ng pagkain, kasama na ang umuusok na alam niyang kape.
“Gising ka na pala, Honey Ko. Breakfast in bed sana ito kaso bumangon ka na.” Inilapag nito ang pagkain sa lamesita sabay lapit sa kanya. Binigyan siya ng isang five seconds na kiss yata. Hindi pa nga siya nakakapagmumog o toothbrush!
Bigla siyang na conscious.
“Don’t worry, you are still delicious as ever Honey Ko.” Pilyong kumindat pa sa kanya ang binata.
“Delicious your face! Bakit hindi mo ako ginising?”
“Eh ang sarap ng tulog mo. Siyempre, sino ba naman ang hindi sasarap ang tulog kung ako ang katabi mo. Ako nga, nagising ulit, di na nakatulog, puyat ako, Honey Ko.” Reklamo nito. Hindi naman halata sa hitsura dahil nakaligo na siya.
“Tigilan mo nga ako, paano kang hindi mapupuyat? Anong ka na kaya umuwi kagabi? Puyat tayong dalawa.”
BINABASA MO ANG
Ruel's Charm
HumorHe is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pwedeng mahalin. He was mending his broken heart when he met her. Ang epal, tingin sa kanya mahina, na...