24

30.9K 377 23
                                    

24

Ruel should be happy because finally, Gabrielle had said yes. Pero bakit may kulang? Bakit hindi lubos yung saya niya? Dapat nga sinabi na niya sa mga kaibigan ang good news, pero tila nabaligtad yata. Aron Miguel and Candice have a problem right now, nakikita niya kung gaano ka apektado ang dalawa. Hindi niya yata kayang makita iyon, lalo na at nasasaktan si Candice.

Candice na naman! May Gab na siya, hindi ba? Alam niyang mali ang nagyayari ngayon, mali na isipin niya si Candice gayong may girlfriend na siya. He should be serious, it would be unfair to Gab. Ginagawa niyang panakip-butas ang babae.

Biglang tumunog ang cell phone niya, it was Candice.

“Sweetie?” Bakit parang umiiyak ang dalaga. “You want me to come?” Tanong niya rito. Tumanggi ang dalaga, kailangan niya lamang raw ng kausap.

“Will you please stop crying, Candice. I’ll break Aron Miguel’s bones.” Pagbibiro niya.

“Sira! I just couldn’t help it. Sorry.”

“It’s okay. Kung kailangan mo ng kausap, narito lang ako.”

“Salamat, Ruel. You are really a friend, I’m discerning right now.”

“About?”

“About me and Aron Miguel.”

“Sweetie, maayos rin ang lahat.” Pag-aalo niya, alam kasi niyang talagang anak ni Aron Miguel ang batang si Tom, at ngayon nga ay may pinagdadaanan itong sakit. Ang hirap naman ng sitwasyon ng kaibigan. At ayaw niyang maranasan iyon.

“Sana nga Ruel but I need to decide.”

“What do you mean?” Bakit biglang kinabahan siya dun.

“Wala, o sige na, I have to go. Salamat ha, kahit alam kong babaero ka at hindi dapat ako nakikipag-usap sa iyo dahil mambobola ka lang, still you listen, still you care.”

Napangiti siya, sira ulo talaga itong si Candice. Sasagot pa sana siya pero wala na ito sa linya.

“I love you.” Sabi niya sa cell phone niya.

************

Nakaabang na naman siya sa labas ng bahay ni Gab. Ihahatid niya ito sa presinto. Ayaw niyang kumatok dahil gusto niya. Hindi niya rin tinext ang dalaga, morning surprise ika nga, may dala pa siyang bulaklak. Hindi niya alam pero parang nakokonsensiya siya dahil kagabi.

He was talking to Candice like she’s the love of her life while he has Gabrielle as his girlfriend. Ano bang nangyayari sa kanya? Tumuwid ang tayo niya nung bumukas ang pinto ng bahay ng dalaga. Iniluwa nun si Gabrielle na kay ganda talaga kahit naka uniform,

Gab was surprise seeing Ruel in front, ang lapad lang ng ngiti nito. Paano ba naman siya hindi main-love sa guwapong mukhang iyan? Yes, she is afraid of loving him, but she will still try. Agad siyang sinalubong nito at kinuha ang bag niya.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon