44

24.9K 316 12
                                    

44

I struggled so much with this story that I started to hate it, would you like to know? LOL! Ganyan ako kabaliw…just expressing..that now, because of so many reasons na hindi ko mafigure out ano, I wanted to finished it and moved on..naks! Adik naman…and dahil hindi ko alam kung naka connect pa rin ba ako sa story, hindi ko alam ang naitype ko dito, baka maiba ang ending..wala, just leave a comment if you wish, if not, okay din…may saltik ako madalas kaya sorry..

NOTE: Hindi ko binasa yung update ko ngayon, ayoko rin siyang basahin ulit kaya yung comments ang babasahin ko…

**************************************

“Bakit naman pati si Carlos ay magiging kasosyo na natin, Pare?” Nagtatakang tanong ni Ruel kay Aron Miguel. Si Carlos ay ang nakakatandang kapatid ni Candice Manlotoc. Balak kasi nilang magtayo ng bar and restaurant sa Kidapawan City. Bakit ba sila napunta sa business nang pagkain at inumin? Hindi rin nila alam. Wala pa kasing gaanong masasabi mong de kalibreng resto bar sa Kidapawan City. Balak nila na sa umaga ay purely pang pampamilya ang kanilang restaurant. They will be serving breakfast till ten and close it and re open at six in the evening para sa bar.

Subok lang naman, baka sakaling mag click. Pati nga si Marcus na puro makina ng sasakyan ang alam na kalikutin ay nahikayat nila, siguro dahil na rink ay Alexie na asawa nito.

“Okay naman si Carlos ah. Hindi nga lang tayo close nung high school pero alam naman ninyo na pagdating sa negosyo, mautak rin ang taong yun.” Si Aron Miguel.

“Hindi kaya dahil kay Candice kaya naisipan mong kumbinsehin ang taong iyon na makisosyo sa atin, para na rin makibalita ka from time to time.” Asar ni Marcus.

“Paano mo naman nalaman na ganoon ang balak ko?” Nagtatakang tanong ni Aron Miguel.

“Gago! Kilala ka na namin.” Magkasabay pa sila ni Ruel.

“Seriously, Carlos wanted to venture into something new, hindi naman masamang maging kasosyo natin siya di ba? Isa pa, pare-pareho naman tayong nasa business world, tiyak malaking tulong siya sa ating tatlo.” Kumbinse pa nito.

“Sige pa, Aron Miguel, convince us more.”

Nagsitawanan silang magkakaibigan. Hindi naman iba sa kanila si Carlos Manlotoc, he was a good classmate way back before. Hindi na masamang siya ang kukunin nila kesa naman ibang tao pa. They agreed that they will take turn in managing the business. Sa umaga ay sina Marcus at Aron Miguel at sa gabi naman ay sina Carlos at Ruel.

“ Hindi pa pupuwedeng dagdagan natin ng mga babaeng sumasayaw, Pare? Para naman mas exciting ang buhay. Ako ang bahala sa screening.”

“Talagang babae lang ang alam mo! Wholesome ang image ng negosyo nating dalawa. Anong gusto mong mangyari, tipong night club?” Si Aron Miguel.

Napakamot ng ulo si Ruel. “Kung makakalusot lang naman.”

“Dapat kasi sa umaga ka at nang mapalitan ng wholesome image yang utak mo.” Si Marcus.

“Whoa! Boring sa umaga, pare. Kayo na ni Aron Miguel dun, ikaw dahil takot ka sa asawa mo, at si Aron Miguel dahil may hinihintay raw kaya ayaw matukso.”

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon