40

27K 359 17
                                    

40

Medyo nahihirapan ako kay Ruel! Pinahihirapan niya ako! Waaaaaaaaaaaa! At ngayon, hindi ko alam saan papunta ang aking update, medyo mahaba ng konti, wala sanang violent reaction..mahirap kaya mag-isip, try nyo! Wahahahaha! Isa pa pala, nakalimutan ko na paano magdrama, purong kabaliwan lamang kasi ang alam ko. Oha! Ayan, basa na….Weyt! Don’t forget to comment para alam ko kung ano na ba tinatakbo ng story na to, yung vote naman, konsensiya nyo na lang..wahahaha! Jowk!

*****************************

“Are you ready?” Celerio asked her. Kanina pa siya ready at ang binata lamang ang inaantay niya. They need to go to Cotabato City.  Dun nila kukunin ang mga ebidensiyang kakailanganin.

“Yes.” She got her backpack and went with Celerio. Sasakyan nito ang napili nilang gamitin. Kung siya ang masusunod, mas magandang magmomotorsiklo sila, mas mabilis, kaso ang sabi ni Celerio, takaw disgrasya raw.

“After this, babalik ka ng Kidapawan?” He asked her. May lungkot sa boses nito.

“Yes. This is the only reason why I went here. Tumawag ako kay Chief kagabi, ang sabi niya, as soon as ma reseolve, babalik na ako.” Tila excited na sabi niya.

“Mamimiss kita.”

“Ako rin naman. Kaso kailangan ng bumalik.”

“Dahil kay Ruel?”

Ngiti lamang ang isinagot ni Gabrielle. Sa ngiting yun, obviously, alam na ni Celerio ang sagot. Madaling araw ang biyahe nila para maaga pa sila sa kanilang pupuntahan. Malapit lang naman ang Cotabato City, hindi aabutan ng isang oras. Pababa na sila nung biglang may humarang na tatlong motorsiklo sa kanilang daraanan.

“Celerio huwag kang huminto!” Nagpapanic na sabi niya. Isa pang itim na van ang bigla na lamang sumulpot mula kung saan kaya natapakan ng binata ang break kung hindi mababangga sila. Nagsibabaan ang mga sakay ng motorsiklo kasama na ang sakay ng van. Alisto ang mga mata nina Celerio at Gabrielle. May mga baril naman sila pero kumpara sa dami ng nasa harap nila ngayon at sa high fire arm na hawak, tagilid sila.

“Gab, don’t open the door.” Hindi pupuwedeng umabante si Celerio dahil sa van na nakaharang.

“Baba!” Narinig nilang utos sa kanila ng mga tao sa labas. Nakatutok lahat ng baril ng mga ito sa kanila.

“Celerio, mamamatay na yata tayo.” Bigla siyang nakaramdam ng matinding takot. Sa dami na ng operasyon na naranasan niya, ngayon pa lamang siya nakaranas ng ganito.

“Relaks, Gab. Presence of mind.” Pareho silang may barin na dalawa pero wala pa rin silang laban. Kung anu-ano ng pumapasok sa utak ni Gabrielle ngayon. Ang mga magulang sa States at mga kapatid, pati na rin si Ruel.

Wala silang choice kundi ang bumaba ng kanilang sasakyan, compared to these devilish looking men in front of them, wala silang kalaban-laban sa mga ito.

Sobrang bilis ng pangyayari, namalayan na lamang niya na hinihila na siya ng dalawang lalaki papasok sa sasakyan ng mga ito. Sumigaw siya kahit pa alam niyang imposibleng may makarinig sa kanya sa lugar na iyon. Sisigaw sana siya muli ngunit binigyan siya ng napakalakas na sampal ng isang lalaki. Sapilitan siyang ipinasok sa loob ng van ng mga ito.  Nakikita niya na binubugbog si Celerio sa labas. Gusto man niyang tulungan ang kasama at kaibigan ay wala siyang magagawa.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon