17

34.3K 384 6
                                    

17

Walang basagan nang trip...

*******

He was talking happily with Aron Miguel and Marcus. Naihatid na niya si Gab sa presinto, actually, nagcommute lang siya, siya kasi ang nagpatakbo ng motorsiklo ng dalaga, mahirap ng mamatay no! Ang bilis kaya nitong magmaneho.

 Mukhang okay na talaga sila ni Gabrielle.

“At alam nyo, feeling ko ha, konting diskarte pa kay Gab, mahuhulog na rin siya sa mga kamay ko. Matitikman na rin niya ang precious body ko!”

Sinapak siya ni Alexie. “Anong pinagsasabi mo ha, Ruel Acquino, seryoso ka ba kay Gab o hindi?”

“Sobra namang makasakit tong asawa mo, Marcus, isusumbong ko na to sa Human Rights, ikaw ba, paano mo natitiis itong si Alexie?”

“Hoy! Kaibigan ko kaya yang pinag – uusapan ninyo. Ikaw  ba mahal mo talaga si Gabrielle ha, Ruel?”

“Pag nanliligaw, mahal agad?”

“Ay! Talaga naman! Tumigil ka nga, Ruel. Eh anong intensiyon mo kay Gab at may pahatid-sundo ka pa ha?” Makukutusan niya talaga itong lalaking ito. Di tuloy alam nina Aron Miguel at Marcus kung paano magrereact.

“Honestly, I really like her, yun lang naman, gusto ko siya, pero yung mahal, nasa ibang level yun, pero malay mo, baka bukas mahal ko na siya. Saka, hindi naman ako nag I love you sa kanya, ang linaw ng sinabi ko, I like her.”

“So bakit ka nga nanliligaw? Dahil lang sa like mo siya? Hindi dahil sa mahal mo siya?” Paglilinaw ni Alexie.

“Yes.”

“Alam ba yan ni Gabrielle, Ruel?” Tanong ni Marcus.

He just shrugged. “I never said I love you, Pare, pero sinasabi ko naman na gusto ko siya, I guess valid naman yung rason ko.”

“Hay naku, Ruel. Lagot ka talaga sa akin kapag umiyak yang si Gab.”

“Di siya iiyak, Alexie, papaligayahin ko kaya siya, ang suwerte niya lang kaya sa akin, ngayon pa lang ako manliligaw sa tanang buhay ko.”

“Neknek mo, Ruel!” Nagmarcha ito papuntang kusina para kunan ng makakain ang tatlo, ke aga-aga nasa bahay na nila ni Marcus.

Natawa na lang ang dalawang kaibigan sa palitan nila ng salita ni Alexie, nakikita na nila, mukhang problema ang darating pag itong si Ruel niloko si Gabrielle na kaibigan ni Alexie.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon