45
***********************************
Alexie was the interviewer, at ang gusto niya sana ay makakuha ng isang mahusay na bartender. Napatingin siya sa susunod na nag apply. Babae? Wala pa yata siyang babaeng na interview na magiging bartender kung sakali. Pinasadahan niya ang resume nito. Impressive, may experience itong maging bartender sa ibang bansa.
“Quite interesting huh.”
ISang hindi katangkarang babae ang pumasok sa loob ng opisina niya. Maganda, chinita, maputi at maikli ang buhok na bumagay naman sa hugis ng mukha nito. Wala yata sa itsura na marunong itong mag mix ng drinks.
“Please take your seat.”
“Thank you.”
Nice sensual voice, itong mga ganitong tipo ang alam niyang magugustuhan ng mga lalaki.
“Please tell me something about yourself.” Umpisa ni Alexie.
She cleared her throat before talking. “I’m Kailie Illia Mendoza, I prefer KIM. My mom’s a Filipina and my father’s a Japanese.”
Kaya naman pala ganoon ang beauty nito. Alexie continued listening to her. She’s confident and full of energy, nakikita niya ang sarili niya sa kaharap.
“So, you know how to do karate? That’s nice, pero hindi naman ibig sabihin nun, gagamitin mo na iyan sa costumers.”
“Definitely for self-defence alone, Ma’am.”
“May I know why did you apply for the job? I mean, is it because you needed it, or just because you like doing it?” Wala kasi sa hitsura nito na nangangailangan ng trabaho, tipong anak mayaman.
“Sa totoo lang, both. I badly needed the job because I’m broke and also because I like bartending as well.”
“really? Don’t get me wrong, but you don’t look like you’re broke.” Prangkang sabi ni Alexie.
“Hindi naman ikaw ang unang nagsabi niyan, halos sa lahat ng inaaplayan kong trabaho, lalo at nakikita nilang galing akong ibang bansa.” Nagsimulang magkuwento si Kim. Palagay ang loob niya sa kaharap, para bang kung sakaling matatanggap siya ay magkakasundo sila nito.
Ikinuwento niya kung paanong napunta siya ng America, kung paanong biglang naghirap ang pamilya niya dahil sa recession. Parehong nawalan ng trabaho ang mga magulang niya, yung ipon nila ay naubos dahil sa sabay na nagkasakit ang dalawa. Ikinuwento niya kung paanong sabay rin na namatay ang mga ito sa isang car accident. At yung natitirang pera niya ay siyang tinipid niya upang maiuwi lamang ang bangkay ng mga magulang sa Pilipinas.
“I’m sorry, that’s too tragic.”
“It’s okay. That’s life. Kahit gaano kasakit, kailangan kong tanggapin na hanggang doon na lamang sila.”
“I admire your courage and faith, Kim, to think na nag-iisa ka na lamang ngayon. Pwede ka bang magbigay ng sample ng mix drink?” Sa harap kasi nila ay ang iba’t ibang klaseng inumin na pwede nitong i-mix. Kung sakaling papasa sa panlasa niya ang gagawin ng dalaga ay tatanggapin niya ito.
BINABASA MO ANG
Ruel's Charm
HumorHe is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell in love, at ang masakit pa di niya ito pwedeng mahalin. He was mending his broken heart when he met her. Ang epal, tingin sa kanya mahina, na...