13

34.8K 390 5
                                    

13

Nanginginig pa rin ang tuhod na pumasok siya ng bahay niya. “Langyang Gabrielle yun, mamamatay ako sa nerbiyos sa kanya.” Dumirecho siya sa ref para kumuha ng malamig na tubig.

“Saan ba pinag lihi ang babaeng yun.” Biglang tumunog ang cellphone niya. Si Yasmine, isa sa mga babae niya.

“Yes?” Bakit bigla siyang nairita. Di ba sinabi niya na wag siyang tatawagan nito? Mali niya kasi, naibigay niya yung number niya.

“Titignan ko, medyo busy, kagagaling ko lang sa work, sobrang pagod ako.” Pagdadahilan niya, buti na lang at hindi nito alam ang bahay niya, malamang sa hindi, nandito nay un.

“hello, hello? Choppy line mo, Yaz. Hello?” Then he off his cellphone. Wala siya sa mood makipag bolahan ngayon.

Pagkatapos ng close encounter nila ni Gab. Akala pa naman niya makaka first base na siya, sweet na sana yung aangkas siya sa motorsiklo nito, yun nga lang, di niya akalain na ganun kung magpaharurot, masyadong overspeeding!

Tawagan niya kaya. Me number naman siya.

Nakakailang ring na pero di nito sinasagot ang phone niya.

Imagine, siya, si Ruel Acquino, hindi sinasagot ang tawag. Kailan pa nangyari yun? Kahit nga si Candice na ultimate crush niya sinasagot ang phone pag tumatawag siya, pagkatapos itong si Gabriella Silang hindi?!

“badtrip naman oh!”

Tinawagan na lang niya si Marcus, niyayang lumabas.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon