32

29.7K 387 12
                                    

32

Dahil pupunta akong Mt. Olympus, mag uupdate ako, mga 5 days ako dun kaya matagal walang update….salamat, ganyan ang update kasi yan kinaya ng brain cells ko.

***********************************

Ang lakas ng tunog ng alarm clock ni Ruel. It’s 3:30 a.m. isa’t kalahating oras lamang ang tulog niya. Putek naman, talaga bang alas kuwatro nagigising ang mga pulis? Napilitan siyang pumunta ng banyo kahit wala pa yata siyang kaluluwa, tinignan niya ang kuwarto ni Gab, wala pang senyales na gising na ito, mabuti naman.

Ang lamig pala rito sa Parang, Maguindanao, paano siya maliligo nito, baka manginig siya sa lamig, pero hindi naman pupuwedeng haharap siya kay Gab ng walang ligo, diyahe naman iyon sa dalaga, nagpapa impress nga siya di ba? Kaya, kayang-kaya niyang tiisin ang lamig, alang-alang sa pag-ibig! Naks! Ang sarap batukan ng sarili. Ngayon lamang siya gumawa ng ganitong bagay para sa babae.

Wala pa yatang limang minuto ay lumabas na siya ng banyo.May yelo baa ng tubig nila rito? Bigla tuloy nagising lahat ng ugat niya sa katawan. Nagtatakbo na bumalik siya ng kuwarto para magbihis. Pinili niyang mag t-shirt sa loob ng sweatshirt, walking shorts sana ang naisip niyang isuot, pero dahil sa lamig ay nag maong siya, nakatsinelas lamang. Limang minuto bago mag alas kuwatro ng madaling araw ay nasa harap na siya ng pinto ng kuwarto ni Gabrielle.

Pero mag aalas kuwatro y medya na ng madaling araw, hindi pa rin bumukas ang pinto ni Gab, patay pa rin ang ilaw, nilalamok na rin siya, inaantok pa. Kinapa niya ang cellphone, tawagan na lang kaya niya ito, bahala ng magalit, baka kasi sabihin nitong hindi siya sumipot sa usapan nilang dalawa.

Nakakatatlong tawag siya nung may sinagot na ito ni Gab.

“hello.” Inaantok pa ang nasa kabilang linya.

“Gab.”

Saglit na hindi sumagot ang kausap. “Acquino? Bakit ka ba tumatawag? Ang aga-aga.” Napapikit siya, talaga bang ganoon ang boses nito pag bagong gising? Nakakaakit? Parang sinasabing pumasok siya sa kuwarto nito.

“Di ba sinabi mo na kailangang nasa harap na ako ng kuwarto mo ng eksaktong alas-kuwatro ng madaling araw? Gab, mag-aalas singko na.”

Napatingin si Gabrielle sa relo niya, tinaghali na pala siya ng gising. Dapat alas-kuwatro ay nakabangon na siya para mag jogging sa loob ng kampo. Gabi na kasi siya nakatulog dahil sa pesteng Ruel Acquino na yan. Inaantok na lumabas siya bitbit ang kanyang towel at mga toiletries. Mamaya na siya maliligo, maghihilamos na lamang sya at mag totoothbrush para makapagpalit ng damit pan jogging.

Tinaasan niya ng kilay si Ruel ng mapagbuksan, tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. “Sasama kang mag jogging sa akin, palitan mo yang outfit mo.” Utos nito sa kanya.

“Ha? Sandali.” Bigla yatang nawala ang antok niya, dali-daling pumasok siya ulit ng kuwarto, mabuti naman pala at nadala niya ang kanyang running shoes. Nagpalit na rin siya ng jogging pants. Mukhang mapapasubo siya nito, matagal na siyang hindi nagjojogging.

Napalunok siya nung makita si Gabrielle. Naka jogging pants nga ito pero hapit naman sa katawan, naemphasize ang kanyang pang-upo. Hindi puwedeng ipakita niyang nadidistract siya sa ayos nito.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon