39

28.1K 360 15
                                    

39

Di ko maalala kung may kapatid si Ruel, ang alam ko may magulang pa siya…just correct me if I’m wrong.

**********************************

Kakarating pa lang ni Ruel sa Kidapawan pero parang ilang araw na silang hindi nagkita ni Gabrielle. Agad na natuwa ang ina niya nung nakita siya. Sinalubong siya nito ng yakap at halik sa pisngi.

“Ma! I missed you. Nasaan si Papa at Bunso?”

“Nasa office, si Raeka naman, nasa mga kaibigan. Alam mo naman ang kapatid mong iyon. Medyo tumitigas na nga ang ulo, nahihilig sa pagsama sa barkada.” Reklamo ng ina sa kanya.

“Hayaan mo Ma at pagsasabihan ko kapag nagkita kami.” Inakbayan niya ang kanyang Mama papasok ng bahay.

“Nasaan na nga pala yung mamanugangin ko? Hindi mo naisama ha.”

“Busy Mama, hayaan mo, kapag naayos yung kasong hinahawakan niya, papauwiin ko na rito.”

“So talagang policewoman ha? Sana mapatino ka na ng babaeng iyan, Ruel. Tumatanda ka na, gusto ko ng magkaapo, at tandaan mo ha, ayoko ng apong bastardo. Pakasalan mo na.”

“Ma, bago lang nga ako sinagot. Nag-iisip pa ako ng diskarte paano ko mayayang pakasal. Buntisin ko kaya?”

Bigla siyang binatukan ng ina. “Mama mo ang kausap mo, hindi mo barkada.” Kakamot-kamot ng ulo si Ruel, ang sakit talagang mambatok ng Mama niya. Walang pagbabago.

“Biro lang, Ma. Pag dinala ko siya sa iyo at ipinakilala, please lang, huwag na huwag ninyo akong ibisto. Patay ako dun, ang hirap niyang amuin, Mama.” Pakiusap ng binata.

“Gagawin mo pa akong sinungaling na bata ka.”

Sasagot pa sana siya nung biglang may sumigaw sa likod nila. “KUyyyyyaaaa!” Si Raeka, agad siyang niyakap ng kapatid. “Kailan ka dumating? Puro babae ang inaasikaso mo ah. At pumunta ka pang Maguindanao! Naks! Iba na talaga yan, Kuya.”

In-love eh. At ikaw naman, bakit pasaway ka na raw sabi ni Mama? Asikasuhin na muna ang pag-aaral Raeka. May pinag-usapan tayo, hindi ba?” He reminded his sister.

“I know, Kuya. Si Mama kasi, magkaroon ka lang ng mga friends na boys, feeling mag-aasawa na ako. Isa pa, matataas ang grades ko sa school. Two years na lang, gagraduate na ako. May makakasama ka na sa work.”

Malayo kasi ang agwat nila ng edad ng kapatid. Pero ubod ito ng lambing. Ngayon alam na niya ang pakiramdam ni Aron Miguel nung nagdalaga si Alexie Yanelle. Ang hirap pala kapag babae ang kapatid mo, parang naiisip niya na any moment, lolokohin ito. Napapapraning na talaga siya.

“Basta ba maging good girl, Raeka, kung may nanliligaw, ipakilala mo muna sa Kuya mo at nang makilatis natin ha.”

“Sure Kuya. Mama ha, huwag masyadong magreact, good girl ako. Love you Ma.” Sabay yakap sa Mama nito.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon