55

21.6K 365 40
                                    

55

Wala si Kim nung dumating siya. Nakapagtataka, dapat ay nakauwi na ito. Mabuti na lamang at alam niya ang sikretong taguan nila ng duplicate key lalo na sa mga ganitong sitwasyon. Nung pumasok siya ay walang bakas na nakauwi na ito. Baka naman sa iba natulog. Nalasing kaya ito kagabi? Ang hirap ng walang cellphone at hindi mo alam paano kokontakin ang pinsan.

Matutulog na lamang siya, mamaya na siguro sila mag-uusap bago ito magtrabaho. Naalala na naman niya si Ruel. Sana tuluy-tuloy na, wala nang magiging problema. Wala naman siyang balak na pahirapan ito. Gusto niya lamang na maayos na lahat bago magiging sila ulit. Hindi naman siya yung tipo nang babaeng magpapakipot pa, tama na yung sakit na naranasan niya para piliin pa itong muli.

Samantala, busy si Ruel Acquino, kung sinu-sino ang tinatawagan. Lahat nang kilala at pwedeng makatulong. This is the perks of a being a businessman, sometimes, you can do and get what you wanted.  Hindi siya sanay humingi ng pabor, pero para sa babaeng mahal niya, gagawin niya lahat. Matinding pangangailangan ito para sagutin siya. Ang sabi ni Gab, kapag naayos ang lahat, magiging sila ulit.

He can’t wait!

“Okay, Ruel, titignan ko ang magagawa ko, pakitext sa akin ang buong pangalan.”

“Salamat, Sir.” Napangiti siya. Para-paraan na lang.

Sumunod ay isant taong alam niyang may malaki siyang utang na loob. Mukhang kailangan niyang makausap ng personal.

After lunch na nung nakauwi si Kim. Mukhang lutang pa ito.

“Where have you been, cuz? Naiwan ko kasi ang phone ko sa iyo kaya hindi kita ma contact” Tanong ni Gab.

“Ha? Nalasing ako kagabi, Gab. Sorry at ngayon lang ako nakauwi.” May kinuha ito sa bag niya, ibinigay ang cellphone ni Gabrielle.

“Saan ka natulog?” Alam kasi niyang limitado ang mga kaibigan ni Kim sa Kidapawan.

“Ha? Ah, sa work. Sige ha, antok pa ako, hindi muna ako papasok ngayon.”

“Okay ka lang? Mag-usap sana tayo tungkol kay Ruel, kung okay lang sa iyo.”

“Anong tungkol kay Ruel? Sus! Hindi kami kung yan ang itatanong mo. Masyado lamang madrama ang lalaking yun at kung anu-ano ang pinapalabas. But Gab, I know that he loves you that much! So huwag mo nang pakawalan, mahirap makakita ng taong katulad niya. Rare! Babaero nga lang!” Pahabol pa nito bago pumasok ng kuwarto.

Nakahinga siya ng maluwag. Sana tuluy-tuloy na. Tinext niya si Ruel, nagbabakasakaling iyon pa rin ang dati nitong number. Wala pa yatang isang minuto na naipadala niya ang text message niya ay tumawag na ito.

“Namiss mo na ako agad? Wala pang isang araw simula nang magkita tayo ah? Napaghahalatang in-love na in-love ka pa rin sa akin, Gab.”

“Tumigil ka, Acquino!”

“Biro lang naman. Kumusta? Hindi ba masakit ang ulo mo?”

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon