58

18K 383 24
                                    

58

Ilang araw nang tuluy-tuloy sa duty niya si Gabrielle, at ilang araw na ring bantay-sarado si Ruel. Parang sira na bigla na lamang susulpot sa presinto at magdadala ng kung anu-anong makakain, at ang mga kasamahan naman niya, tuwang-tuwa. Madalas ay ipinagkakanulo siya ng mga ito kapalit ang pambobola ng nobyo, as usual, idinadaan na naman sa charm.

Katulad ngayon, mahihirapan na naman siyang magpaalam na sasama siya sa operation nila bukas. Praning na praning ito simula nung nabaril siya, siya naman, kating-kati na sa kakaupo sa presinto, sa harap ng lamesa niya.

“Filemon, sama ako bukas ha. Kailangan ng undercover di ba? Sexy babe na naman ba ako?”  Kailangan raw kasi ng babae dahil prostitusyon na naman ang lilipulin nila sa isang barangay.

“Alam mo namang hindi ka pa pupuwede, Gab. Pag may nangyari sa iyo, papatayin kami tiyak ng overprotective mong syota.”

“Pwede na, hindi ba’t may medical certificate na ako na pwede nang sumabak sa adventure. Huwag na lang nating sabihin kay Acquino.”

“Para namang may magagawa kami sa katigasan ng ulo mo. Sige, sumama ka, oo, as usual, hot babe, Gab.”

“Nice! Nice! Planuhin na nating maige yan, Filemon.” Naeexcite na sabi niya. Kailangang linisin ang baril mamaya. At kailangang walang mahahalata si Ruel.

Tulad ng plano, wala siyang binanggit kay Ruel, hindi rin siya nagpahalatang may operation bukas, wala rin naman itong tinatanong, nangungulit lang at nag movie marathon sila.

(Huwag nang mag-antay ng espigi readers. Wahahahaha)

“Baka nga pala hindi kita masusundo bukas, ayat ku. May imemeet kaming clients.”

“Sure! I will be fine.” Mabilis na sagot niya.

“Itetext kita kapag maagang natapos ha.”

“Yes, ayat ku.” At least, walang magiging problema sa operation.

*************************

Inayos ni Gabrielle ang suot niyang micro mini skirt, itinaas ng konti ang tube at tinignan kung okay lamang ba ang suot niyang hindi naman kakapalan na make-up. She was satisfied with her look, kapag nakita siya ni Acquino, malamang magwawala yun. Sa ikli ba naman ng palda niya.

“Hindi ba halata ang baril ko ha, Filemon?”

Napakamot ng ulo ang kasamahan. “Halata talaga, Gab, talagang sa bag mo lamang ito mailalagay.”

“Sige na nga.” Sa bag na lamang niya ilalagay, tutal naman ay marked money ang hawak niya. Nakapagplano na rin sila, siya ang lalapit sa lalaki para maging bugaw, siyempre kunwari pati sarili niya, kapag natanggap na ang pera, duon na susugod ang mga kasamahan. Exciting, hindi ba?

“Ready na.”

Pagdating sa target area ay kanya-kanya ng puwesto na sila. Si Gab ang nakatokang makideal sa kanilang target. Kinakabahan kahit papaano si Gabrielle. Sa picture niya lamang nakita ang magiging kliyente kunwari niya.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon